^

Pang Movies

Ginawang sample si P-Noy: Kris ayaw hubaran ang magiging karelasyon!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayon kay Kris Aquino, hindi na niya pag-uusapan pa sa publiko ang kanyang love life kung magkakaroon man dahil kawawa naman ang guy, kung sino man ito, na nahuhubaran ang pagkatao simply because she’s a public figure.

“Ayokong mag-name ng names kasi honestly, the truth, when I name anybody I get a barrage of kanegahan about that person. Siyempre, I’m the only one who gets to read it, ’di ba?

“So, parang feeling ko, ang daming kontra sa kaligayahan, whoever he is ha? At kung anu-anong (issue) na ‘nakitang kasama ni ganito, ganyan’.

“So, parang feeling ko, dedma na ako. I’m not gonna tell to any of you kasi ang concern ko lang naman talaga, makasundo ko siya, makasundo siya ni Josh at ni Bimb (Joshua and James, Jr., her two sons) and later on makasundo siya ng mga kapatid ko.

“Kung anuman ang opinyon n’yo, dedma na kasi wala naman ’yung kinalaman sa mga produktong ineendorso ko at sa mga programa ko,” mahabang pahayag ng Queen of All Media.

Natawa ang press sa huli niyang statement dahil bakit nasali sa love life niya ang mga endorsement niya?

“Hindi, kasi ’yung mga ine-endorse ko, may say sila eh. Pasensiya na talaga and I’m so conscious of that kasi may reaksiyon sila,” she said.

At this point ay klinaro na rin ni Kris ’yung tungkol sa website ng fake Kris TV (her morning show).

“Kasi ’yung fake na Kris TV na site, nag-endorse ng kalaban kong noodles. ’Yung kalaban ng Lucky Me. Eh magre-renew pa lang kami ng Lucky Me.

 â€œâ€™Wag namang ganyan,” mensahe niya sa fake Kris TV site, “Puwede n’yong i-endorse ang produkto n’yo without disparaging the product that we really eat na paborito ko at paborito ng mga anak ko. Hello!”

So, going back sa earlier topic about her love life, sabi ni Kris ay open naman daw siya ever since sa kanyang buhay pero she understands na puwedeng ang guy na mali-link sa kanya ay hindi naman ganun ka-open.

“Kawawa naman sila, parang hinuhubaran na ang buong pagkatao nila and it’s not fair to somebody who didn’t ask for this life.

“I can be very open naman. Kaya lang ang ta­nong, sila ba open? It’s not like they have my paycheck. Sa totoo lang, ’di ba?

“If you’re gonna see me, and then, hahalukayin ang buong buhay mo, nawalan ka ng privacy, eh buti sana kung ’yung sinusuweldo sa ’yo ay ’yung sinusuweldo ko, ’di dapat tanggapin mo ’yun. Pero hindi.

“So sobrang nage-gets ko naman talaga na it’s a lot to ask of a human being. This is the life I chose, and also my sons embrace this life because ‘eto ’yung kabuhayan namin. But a person who just wants to get to know me hindi.

“So, as much as possible talaga, hindi ko siya pag-uusapan sa inyo kasi kawawa naman siya. Kung ang presidente nga kayang magkaroon ng private life, ako pa kaya?” she said saka natawa sa kanyang huling sinabi.

When asked kung okay na ba sila ng ex-husband na si James Yap matapos ang controversial tweets niya about financial settlement, say ni Kris, “No, we’re not. And I don’t think we’ll ever be okay. And I don’t wanna talk about him kasi ako na naman ang nega.”

Dagdag pa ni Kris, baka kung ano na naman ang masabi niya eh siya naman ang magiging kontrabida sa mata ng lahat.

Tapos na raw siya sa birthday blues at okay na raw siya ngayon.

 â€œAlam ko mababaw ’yun pero siguro, ano, dapat hindi mo i-equate ang self-esteem mo and self-worth sa pananaw ng tao pero siyempre sa past two nights na super umani naman ako ng papuri sa portrayal ko as Roxanne (sa Kailangan Ko’y Ikaw), iyak ako nang iyak. Super kilig na kilig talaga ako na parang wala na akong mahihiling pa, na thank you at na-appreciate n’yo lahat ng hirap ko at pinagdaanan,” pahayag ni Kris.

vuukle comment

JAMES YAP

JOSHUA AND JAMES

KASI

KRIS

KUNG

LUCKY ME

NAMAN

SIYA

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with