^

Pang Movies

Coco, tiktokerist na rin!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Coco, tiktokerist na rin!
Coco Martin

Join na rin sa TikTok si Coco Martin.

As of this writing, meron na kaagad siyang almost 100,000 followers.

“Matagal ko pong pinag-isipan ito at ngayon desidido na ako. Gagawin ko ito para sa kinabukasan ko, sa kinabukasan ng aking pamilya at sa kinakabukasan ng lahat ng mga Pilipino. Maraming mga taong kumakausap sa akin, maraming mga taong kumukumbinsi at ngayon desidido na ako. Kayo ang kauna-unang makakaalam nito, ako si Coco Martin – nasa TikTok na. Kaya ano pa ang hinihintay niyo i-follow n’yo na ako,” paunang post niya na more than 100,000 ang puso.

Na ang pagkaka-deliver ay parang kakandidato ang FPJ’s Batang Quiapo actor na senador kaya naman ang daming na-curious pero ang ending nga ay nasa TikTok na raw siya at mag-follow na.

Siguro naman wala sa plano ni Coco na kumandidatong senador.

Ang dami kasi ngayong celebrity na nagpaparamdam na kakandidato sa totoo lang. Ang pulitika nga ang option ng mga ibang artista na hindi na gaanong aktibo.

Anyway, ang chika, ang laki ng market sa TikTok. Pero napasukan na rin daw ng mga wannabe actor na nagpapakita ng medyo daring moves pero kumikita na ng libu-libo.

Nakatambay raw kasi sa TikTok ang karamihan lately kaya ayan pati si Coco, TikTokerist na rin.

Male personality, walang nagawa sa kataksilan ng misis!

Ang lungkot pala ng kapalaran sa misis ng isang male personality na kilala hanggang sa ibang bansa.

Hindi raw nito namalayan, pinagpalit na siya (male personality) ng misis sa ibang lalaki.

May anak diumano ang mag-asawa.

Wala raw nagawa ang male personality sa pagiging unfaithful ng asawa.

Pero ang pinakamasakit, kilala raw ng male personality ang sinamahan ng kanyang misis.

Maymay, umawra sa PFW!

Literal na amakabogera ang Kapamilya star na si Maymay Entrata matapos ibida sa kanyang social media pages ang unang rampa niya sa Paris Fashion Week.

Umawra-awra siya sa runway para sa designer na si Leo Almodal at Vietnamese designer na si Phan Huy.

 “This is my 1st look by @phanhuy.official @stevendoanstyle And my first runway in Paris Fashion Week, I will for sure treasure this talaga, Thank you so much for having me po,” aniya sa isang caption

At kumintab siya dahil sa suot na golden gown.

Yup, gintung-ginto ang kulay ng kanyang gown na gawa ni Almodal hanggang sa kanyang head accent!

Bukod sa rumampa, bumirit pa siya ng Amakabogera.

May karanasan na si Maymay sa international catwalk nung rumampa siya sa Dubai para sa sikat na Filipino designer na si Furne One.

Carlos, handa nang anakan si Chloe

Nagbabalak na bang pakasalan ni double Paris Olympic gold medalist Carlos Yulo ang controversial girlfriend niyang si Chloe San Jose?

Nag-flex nga ang vlogger / wannabe actress ng letter sa kanya ng jowa para sa kanilang 52nd monthsary.

Nabanggit niya sa nasabing sulat na excited na siyang maging daddy at asawa.

Heto ang kumpletong message ni Carlos o Caloy:

“THANK YOU PO LORD SA PANIBAGONG ARAW AT BUHAY NA IPINAG-KALOOB NYO PO SA AMIN, HE HE.

“PARA SAYO MAHAL KO! MARAMING MARAMING SALAMAT SA BINIGAY MONG SUPORTA AT PAGMAMAHAL SA AKIN. SOBRA AKONG NATUTUWA AT HUMAHANGA SA NAGING JOURNEY AT MGA NANGYAYARI PA SA BUHAY NATIN NGAYON, UNTI-UNTI NA NATING NAAABOT YUNG MGA PANGARAP NATIN SA BUHAY NANG SABAY =)

“LAHAT NG SAKRIPISYO MO PARA LANG MASUPORTAHAN AKO, SOBRA KO PO YUN NA APPRECIATE MAHAL KO! AT LAHAT NOON AY WORTH IT! SALAMAT PO NG MARAMI MAHAL KO AT SINAMAHAN MO KO SA JOURNEY NA TO. DI NAGING MADALI, PERO DI KA SUMUKO, KATABI KO. INALALAYAN, GINABAYAN, SUMUPORTA NG WALANG SAWA, PINAGPASENSYAHAN AT HIGIT SA LAHAT MiNAHAL MO AKO NG SOBRA.

“ALAM KONG MARAMI PA TAYONG MAPAPAG-DAANAN SA BUHAY, PERO HANDA AKO NA SALUBUNGIN LAHAT YON KASAMA KA =)

“WE DID IT MAHAL KO! NOW LET’S FOCUS ON OUR NEXT GOALS! AT SYEMPRE, EXCITED NA KO MAGING DADDY AT ASAWA HEHE. HABANG INAABOT MO NAMAN ANG PANGARAP MO, MAHAL KO NANDITO AKO NAKASUPORTA AT MAMAHALIN KA NG BUO! HAPPY 52ND MONTHSARY PO ULIT MAHAL KO! MAHAL NA MAHAL PO KITA – MAHAL,” aniya na kalat sa social media kahapon.

Pero as usual, medyo negatibo ang reaction ng ibang netizens, grateful daw siya sa karelasyon pero sa kanyang pamilya, parang nakalimutan na niya.

Ganunpaman, parang hindi naman apektado si Carlos dahil tuloy ang buhos ng biyaya sa kanya. Last week ay tumanggap na naman siya ng karagdagang P2 million mula sa Aice Ice Cream, ang worldwide olympic partner ng International Olympic Committee (IOC) at ang opisyal na ice cream ng Philippine Olympic Team at ng Philippine Olympic Committee (POC), kung saan pinarangalan nila ang mga atletang Pinoy sa pamamagitan ng Saludo, Atletang Pilipino Thanksgiving Celebration noong Setyembre 26, 2024.

Bukod sa double Olympic gold medalist at Philippine gymnastics phenom, kabilang din sa pinarangalan ang two-time Olympic boxing medalist Nesthy Petecio, kapwa Pilipino at two-time Olympian boxer na si Eumir Marcial, presidente ng Gymnastics Association of the Philippines, Cynthia Carrion. Sinamahan din sila nina World Vovinam Championship gold medalist Hergie Bacyadan at Joanie Delgaco, ang unang babaeng Filipino rower na nag-qualify para sa Olympics.

Bilang bahagi ng pangako nitong isulong ang malusog na pamumuhay at pagpapalaganap ng kaligayahan, patuloy na nakikiisa ang Aice sa likod ng mga atletang Pinoy na nakarating sa Paris Olympics, na naglalayong magbigay ng inspirasyon sa pagkakaisa at pagmamalaki sa komunidad.

Nagbigay ang Aice ng P2,000,000 at isang taong supply ng Aice ice cream na may freezer kay Yulo; P300,000 at isang taong supply ng ice cream na may freezer bawat isa kina Petecio at Villegas para sa kani-kanilang mga medalyang panalo.

Anyway, sa buhos na incentives kay Carlos, kahit nga pakasal sila parang sapat na hanggang magkaanak pa sila ni Chloe.

Pero ‘yun nga, kulang ang lahat kung hindi siya makikipag-ayos sa kanyang pamilya.

Bago ang nasabing 52nd monthsary nila, pinag-usapan din si Carlos dahil sa kanyang suot ng  blue shirt crop top na karaniwang sinusuot ng mga kababaihan habang naka-body bag na Louis Vuitton na madalas ding pambabae.

Literal na binasag niya ang mga stereotype ng kasarian.

Kuha ang nasabing pictorial sa kanilang biyahe ng gusto niyang pakasalan sa South Korea. Isang certified fashionista si Carlos base sa mga pino-post niya.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with