^

Pang Movies

Gretchen, napagkamalang si Julia

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Gretchen, napagkamalang si Julia
Gretchen Barretto

Ang bongga naman ni Gretchen Barretto na wala pa rin talagang kupas ang ganda.

Ilang taon na ring hindi aktibo sa social media si La Greta kaya naman laking tuwa ng mga tagahanga niya nang muli nila itong masilayan sa post ng make-up artist niya.

Kahit nga tahimik na ang buhay nito ay pinag-usapan ang photo niya suot ang white tank top, na may clean make-up look at naka-sleek bun na nakakuha rin ng atensyon ng mga kapwa niyang A-listers.

Hindi nga halata ang edad nito na 54 years old na at wala raw talagang duda ang ganda ng mga Barretto dahil napagkamalan pa siya ng netizens na pamangkin niyang si Julia Barretto. Pareho raw kasi ang mukha nila at pati na ang physique.

May iba namang inakalang ang Wonder Woman actress na si Gal Gadot ito.

Halata ngang maalaga ito sa katawan na tila hindi nakakalimutang mag-workout.

Bagets na bagets kasi ang hitsura nito at wala sa mukha nitong may apo na sa daughter niyang si Dominique Cojuangco.

Pati nga ang Global Fashion Icon na si Heart Evangelista ay napakomento na reminder daw ito na “she is the queen.”

Sagot naman ng netizen ay siya raw ang younger version ni La Greta.

Sey pa nga ng iba she’s ageing like the finest wine in the planet daw talaga. Pinataob daw nito ang mga mas batang artista.

Mukhang mas enjoy nga ito na walang social media account.

Maaalala kasing sinabi niya na nakaramdam siya ng peace pagkatapos niyang mag-disconnect sa online world.

vuukle comment

GRETCHEN BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with