^

Pang Movies

Kylie, hinding-hindi na makikipagbalikan kay Aljur!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kylie, hinding-hindi na makikipagbalikan kay Aljur!
Kylie

Sinagot ng aktres na si Kylie Padilla ang netizen na umaasa pang magkakabalikan sila ng dating mister na si Aljur Abrenica.

Ipinost ng anak ni Sen. Robin Padilla ang isang clip nilang mag-iina kasama ang mga anak na sina Axl at Alas na may background music na So This Is Love.

Ang cute nga nilang tingnan tatlo at dahil nga children’s month ay gusto raw ng aktres ng rason na iselebreyt ang dalawang angels ng buhay niya.

Nagkwento rin siya kung gaano ka-thoughtful ang mga anak niya gaya ng nang mapansin daw ng panganay niya na wala ang madalas niyang baso ng tubig sa side table niya bago sila matulog, kusa raw itong kumuha at binigay sa kanya.

Habang ang bunso niyang si Axl na laging nakasunod sa kanya kahit saan ay paulit-ulit na sinasabi sa kanya na gusto raw ulit nitong mag-breastfeed sa kanya. Naisip pa nga niya kung possible bang utusan ang katawan niyang maglabas ulit ng gatas na paboritong bahagi raw niya ng infant stage.

Sino nga raw ang mag-aakala na mahahanap niya ang soulmates sa dalawa niyang anak at three musketeers na raw sila for life.

Pinusuan ng marami ang post niya pero meron isang netizen ang nagkomento na sana raw magkabalikan na sila ng tatay ng mga ito na hindi pinalagpas ni Kylie.

Sinagot niya ito ng “no thanks. We good,” na nagpatameme sa netizen.

Ito na nga ang sagot na hinihintay ng mga umaasa pa at wala na nga talagang pag-asa na magkabalikan pa ang dating mag-asawa.

Mukhang masaya na rin naman sila sa kanya-kanya nilang relasyon – si Aljur kay AJ Raval, habang si Kylie naman ay sa diumano’y tattoo artist.

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with