^

Pang Movies

Luis, lalayasan na ang Rumble?!

Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpasalamat ang Pambansang Host na si Luis Manzano at si Direk John Prats para sa panibagong all-time high viewership record ang Rainbow Rumble na umabot sa 519,495 combined peak concurrent viewers sa Kapamilya Online Live noong Sabado at Linggo (Setyembre 28 at 29).

“Maraming salamat sa 519k+ na pagmamahal and for making #RainbowRumble the top tren­ding topic this weekend, Kapamilya!” sabi nila sa Instagram.

 Noong Sabado, nanguna sa trending topics ang OPM group na BGYO sa X. Naglaro sa show ang members nito na sina Akira, Mikki, JL, Nate, at Gelo, kung saan nanalo si Akira ng P82,000 sa jackpot round.

Sumali naman ang PBA Motoclub members na sina Ryan Araña, Jerwin Gaco, Cyrus Baguio, KG Canaleta, at Rico Maierhofer kung saan nanalo naman si Ryan ng P80,000.

Napapanood ang Rainbow Rumble uwing Sabado at Linggo, 7:15 p.m., sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z, at 8:15 p.m., sa TV5.

Pero paano kaya ang programa ngayong kumpirmado na nga diumanong kakandidatong Vice Governor of Batangas si Luis habang ang mommy niyang si Vilma Santos ang kakandidatong governor. Habang ang brother diumano niyang si Ryan Christian ang lalaban sa Congressional seat. Ang stepdad ni Luis ang kasalukuyang Department of Budget secretary. Nag-post na rin si Luis ng “Manzano - Santos - Recto”

Anyway, ang daming artistang kakandidato. At kasama rito si Marco Gumabao.

Naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) ang jowa ni Cristine Reyes sa pagka-kongresista sa 4th district ng Camarines Sur sa unang araw ng paghahain ng COC sa buong bansa.

Ang 4th district seat ng Camarines Sur ay kasalukuyang hawak ni Arnulf Bryan Fuentebella, na naghain din ng kanyang COC para sa ikatlong termino. Habang si Marco ay bahagi ng grupo ni Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte, boyfriend ng aktres na si Yassi Pressman.

vuukle comment

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with