Higit P20 milyon parcel ng illegal drugs buking sa NAIA
MANILA, Philippines — Buking ang nasa higit P20 milyong halaga ng tatlong parcel ng umano’y illegal drugs sa mga tauhan ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC–NAIA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), sa isang interdiction operation sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.
Ang unang parsela, na nagmula sa Belgium at idineklara bilang “Pet Food,” ay natagpuang naglalaman ng 1,978 piraso ng pinaghihinalaang ecstasy tablets na may halagang na P3,362,600.00. habang mula sa Malaysia at idineklara bilang “Outdoor Wall Lamps,” ang ikalawang parcel na naglalaman ng 2,418 gramo ng Methamphetamine Hydrochloride, o shabu at tinatayang may halaga na P16,442,400.00 habang ang parsela, na nagmula sa United Kingdom at idineklara bilang “Game,” ay naglalaman ng 497 piraso ng pinaghihinalaang ecstasy tablets na may tinatayang halaga na P844,900.00.
Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa pagsusuri sa laboratoryo at tamang disposisyon.
Sinabi naman ni BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno, ang kampanya ay bunsod ng Integridad, Pananagutan, at Modernisasyon program laban sa mga kontrabando at illegal activities.
- Latest





















