Mojdeh lalahok sa 3 tournaments

MANILA, Philippines — Matapos ang pukpukang laban sa NCAA Season 102, paghahandaan naman ni La Salle Green Hills (LSGH) tanker Behrouz Mohammad ‘Madi’ Mojdeh ang pagsabak ito sa tatlong magkakasunod na torneo.
Magpapahinga ng ilang araw ang 15-anyos na si Mojdeh bago muling bumalik sa ensayo para sa mga susunod na tornong lalahukan nito.
“For now, I’ll recover, get myself ready, and take on the next three competitions one race at a time. My priority is recovery because I still have three major competitions coming up,” ani Mojdeh.
Unang sasalang si Mojdeh sa 2026 SEA Age Group Championships sa Selangor, Malaysia kung saan bahagi ito ng national junior team na ipadadala ng Philippine Aquatics Inc.
Lalarga ang SEA Age Group sa Nobyembre 27 hanggang 29 sa Akuatik Selangor sa Shah Alam, Selangor.
Ito ang unang pagkakataon na masisilayan sa aksiyon si Mojdeh sa naturang international competition na lalahukan ng matitikas na tankers mula sa iba’t ibang panig ng rehiyon.
Matapos ang SEA Age Group, sasabak naman si Mojdeh sa NCR Regional Athletic Meet na magsisilbing qualifying para sa 2027 Palarong Pambansa na idaraos sa Quezon City.
Gaganapin ang NCR meet sa Disyembre 1 hanggang 4 sa Muntinlupa Aquatic Center.
- Latest
















