^

PSN Palaro

Eala hahataw sa Auckland

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala hahataw sa Auckland
Alex Eala.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sisimulan ni Pinay netter Alex Eala ang kaniyang 2027 season sa pagsabak sa ASB Classic sa Auckland, New Zealand na idaraos sa Enero.

Matapos ang holiday season, agad na sasalang sa pukpukang ensayo si Eala dahil lalarga ang naturang WTA 250 event mula Enero 4 hanggang 10.

Posibleng isa si Eala sa mga seeded players sa naturang torneo dahil sa kaniyang mataas na ranking sa WTA.

Kasalukuyan itong nasa No. 15 sa WTA — ang pinakamataas na ranking ni Eala sa kaniyang tennis career.

Hindi ito ang unang pagkakataon na maglalaro si Eala sa Auckland.

Nasilayan na ito noong Enero ng taong ito kaya’t excited si Eala na muling bumalik sa New Zealand sa susunod na taon.

“I loved my time in Auckland. Of course, the support there was amazing, especially from the Filipino community. The people there were super-nice. The city was super-nice,” ani Eala.

Matatandaang umabot si Eala sa semifinals ng singles kung saan natalo ito kay Wang Xinyu ng China sa iskor na 7-5, 5-7, 4-6.

Nauna munang tinalo ni Eala sina Dona Vekic ng Croatia sa opening round (4-6, 6-4, 6-4), Petra Marchinko ng Croatia sa second round (6-0, 6-2) at Magda Linette ng Poland sa quarterfinals (6-3, 6-2).

Ito rin ang unang pagkakataon na nagtamabl sa doubles sina Eala at Iva Jovic ng Amerika.

Umabot din sina Eala at Jovic sa semifinals subalit natalo ang dalawa kina third seeds Xu Yifan at Yang Zhao Xuan ng China (5-7, 3-6).

Ang ASB Classic ay bahagi ng paghahanda ni Eala para sa Australian Open na gaganapin sa Mel­bourne sa Enero 17 hanggang 31.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with