^

PSN Palaro

Lady Bulldogs swak sa SSL Final Four

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinapitan ng defending champion National Univer­sity ang matikas na laro ni Arah Panique upang la­pain ang Letran, 25-18, 25-15, 23-25, 25-19, sa quarterfinals at makakuha ng puwesto sa Final Four ng 2026 Shakey’s Super League (SSL) Unity Cup ka­hapon sa Muntinlupa Sports Center.

Kinamada ng beteranong winger na si Panique ang 15 points mula sa 11 kills at tig-dalawang blocks at service aces upang pahabain ng Lady Bulldogs ang kanilang unbeaten run sa walo at lumapit sa asam na five-peat sa panguna­hing kompetisyon ng liga na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Char­coal Chicken, Potato Corner at R&B Milk Tea.

Naghabol ng isang puntos, humataw ang NU ng 10-1 run upang agawin ang bentahe sa Letran sa ini­listang 20-12 sa fourth set sa event na suportado ng Philippine Sports Commission, Commission on Higher Education, Mikasa, Asics, Rigour Technology, Jersey Haven, Solar Sports at 12 Beyond Production bilang technical partners.

Napigilan ng Lady Bulldogs ang huling pagta­tangka ng Lady Knights  na makabawi upang itak­da ang isang knockout se­mifinals match laban sa ma­nanalo sa quarterfinals rubber match sa pagitan ng Adamson University at University of the Philippines na kasalukuyan pang naglalaro habang isinusulat ang balitang ito.

Umiskor sina Vange Alinsug at Chams Maaya ng tig-siyam na puntos para sa Lady Bulldogs.

Samantala, umabante rin sa semifinals ang University of Santo Tomas ma­tapos nilang pagpagin ang College of Saint Benilde, 25-17, 25-15, 25-13.

ARAH

SHAKEYS

SSL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with