^

PSN Palaro

‘Luka Magic’ iginiya Lakers sa ika-8 sunod

Pilipino Star Ngayon
‘Luka Magic’ iginiya Lakers sa ika-8 sunod
Nilusutan ni Luka Doncic ng Lakers si Jordan Goodwin ng Suns.

PHOENIX — Bumanat si Luka Doncic ng 43 points at dumiretso ang Los An­ge­les Lakers sa kanilang pang-walong sunod na pa­nalo sa 131-123 pagpapalamig sa Suns.

Kumonekta rin si Doncic, ang NBA leading sco­rer, ng limang three-point shots at tumipa ng 12-for-14 clip sa free throw line.

Nagdagdag si Quentin Grimes ng 22 points tampok ang limang triples para sa Los Angeles (12-2) na naglaro na wala si se­cond-leading scorer Austin Reaves (bruised heel).

Umiskor si Devin Boo­ker ng 17 points sa panig ng Phoenix (5-7).

Sa likod ni Doncic, iti­nala ng Lakers ang isang 31-point lead sa third quarter bago nakabangon ang Suns sa fourth period sa pa­mumuno ni Collin Gilles­pie.

Iniskor ni Gillespie ang 12 sa kanyang 26 points sa final quarter para ilapit ang Phoenix sa 121-126 agwat sa huling 1:05 minuto.

Nagsalpak si Grimes ng isang tres sa nalalabing 34 segundo kasunod ang da­lawang free throws ni Doncic para selyuhan ang panalo ng Los Angeles.

Sa iba pang laro, pana­lo ang Philadelphia 76ers sa Indiana Pacers, 131-124; nilunod ng Los Angeles Clippers ang Charlotte Hornets, 113-105; wagi ang San Antonio Spurs sa Utah Jazz, 110-102; tinalo ng Boston Celtics ang Dallas Mavericks, 131-94; at lu­sot ang New York Knicks sa Toronto Raptors sa overtime, 112-108.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with