^

PSN Palaro

Finals rematch ng San Beda at Mapua

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Finals rematch ng San Beda at Mapua
Jomel Puno in action for the Red Lions.
NCAA / GMA-7

MANILA, Philippines — Muling magtutuos sa unang pagkakataon ang nagdedepensang San Be­da University at Mapua Uni­versity matapos ang ka­nilang matinding championship series sa Season 99 NCAA men’s basketball tournament noong nakaraang ta­on.

Tinalo ng Red Lions ang Cardinals para sa korona.

Hanggang ngayon ay ramdam pa rin ni Mapua star guard Clint Escamis ang sakit na idinulot ng San Beda.

“May hunger pa rin kasi hindi pa rin nawawala ‘yung sakit na ibinigay nila sa amin last year,” ani Escamis. “So i-instill namin ‘yun sa mga rookies namin.”

Magtutuos ang Red Lions at Cardinals ngayong alas-2:30 ng hapon sa pagsisimula ng second round ng Season 100 sa MOA Are­na sa Pasay City.

Sa unang laro sa alas-11 ng umaga ay maglalaban ang St. Benilde Bla­zers at Jose Rizal Heavy Bombers, habang sa alas-5 ng hapon magtkikita ang San Sebastian Stags at Emil­io Aguinaldo College Generals.

Magkasosyo sa liderato ang Mapua at St. Benilde sa magkatulad nilang 6-2 baraha kasunod ang Letran (6-3), San Beda (5-3), Per­petual (4-5), Lyceum (4-5), Jose Rizal (3-5), EAC (3-5), Arellano (3-6) at San Sebastian (2-6).

Sumasakay sa three-game winning run ang Cardinals, habang kumuha ng dalawang sunod na panalo ang Red Lions.

Nagmula ang Mapua sa 77-71 paggupo sa Arel­la­no, habang tumakas ang San Beda sa Perpetual, 63-62, sa kanilang mga hu­ling laro.

“Getting a string of wins is helpful for us. Being in the top four at the end of the first round, whatever position that is, is always good for us,” wika ni Red Lions’ coach Yuri Esceuta.

Samantala, pipilitin ng Bla­zers na makabangon mula sa 73-71 pagkatalo sa Chiefs sa pakikipagki­ta sa Heavy Bombers.

Pinabagsak ng Jose Rizal ang EAC, 74-63, para buhayin ang tsansa sa Final Four.

“In the past losses, talagang we were competitive in three quarters but there’s always a quarter na ta­la­gang sobrang laki ng di­perensya na di na kami na­kakabalik. We cannot put ourselves in that deep hole,” ani mentor Louie Gonzales.

Sa huling laro, kapwa bubuhayin ng Generals at Stags ang pag-asa sa tiket sa Final Four.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with