Pinay Spikers bibinyagan ng Aussies sa AVC Cup
MANILA, Philippines — Bubuksan ng Alas Pilipinas ang kampanya sa 2024 Asian Volleyball Confederation (AVC) Challenge Cup for Women sa pagsagupa sa Australia sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.
Lalabanan ng mga Pinay spikers ang mga Aussies sa Pool A ngayong alas-7 ng gabi matapos ang bakbakan ng nagdedepensang Vietnam at Singapore sa Pool B sa alas-4 ng hapon.
Ipaparada ng Alas Pilipinas sina team captain Jia de Guzman, PVL stars Sisi Rondina, Eya Laure, Vanie Gandler, Cherry Nunag, Dawn Catindig, Dell Palomata, Faith Nisperos, Fifi Sharma at Jen Nierva.
Samantala, dinomina ng Kazakhstan ang Singapore, 25-15, 25-9, 25-17, sa Pool B kahapon para sa kanilang unang panalo sa event na inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa pamumuno ni Ramon “Tats” Suzara
Pumalo ang mga 6-foot-2 na sina Katrina Belova at Sana Anarkulova ng 15 at 13 points, ayon sa pagkakasunod, para sa mga Kazakhs.
Sa ikalawang laro, pinatumba ng India ang Iran, 25-17, 25-23, 25-21, sa Pool A sa likod ng tig-16 markers nina Anagha Radhakrishnan at Kambrath Anusree sa torneong suportado ng Meralco, PLDT, Smart, Akari, Ayala Land, Nuvali, Foton, POC, PSC, Mikasa, Maynilad, Makati Shangri-La, Cignal, OneSports, OneSports+ at PilipinasLive.
- Latest