^

PSN Palaro

New PBA team?

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Panahon na ba para buksan ng PBA ang pinto para sa bagong team or teams?

Para sa akin, dehins pa.

Marami kasing katanungang hinaharap ng sitwasyon. Number one, magiging competitive ba ang bagong team or magiging whipping boy lang?

Ang sabi, gusto pumasok ng Starhorse Shipping Lines na main backer ng Basilan sa MPBL. At imbes na bumili ng new franchise na easily worth P100 million, gusto na lang bilhin ang Terrafirma franchise gaya ng ginawa ng Converge nung binili nito ang Alaska franchise in 2022.

Which means bibilhin na lang nila ang isang team na hirap na hirap umangat sa PBA dahil lahat na yata ng quality players na nakuha nila, pinakawalan din nila gaya nila Christian Standhardinger at CJ Perez or si Joshua Munzon.

Kung dehins top pick, franchise players. Kulang na lang, isama sa trade ang ball boy.

Kaya kung ito ang magiging deal, eh magpapalit lang ng pangalan. Same, same kumbaga. So para sa akin, no advantage para sa PBA at dehins welcome news sa fans.

Number two, kaya ba ng Starhorse ma-sustain ang PBA participation? Dahil aside sa franchise fee na P100 million, easily P100 million a year din ang gastos ng isang PBA team. Tapos shipping ang negosyo dehins gaya ng beer, manok, gin, kuryente, cellphone, pintura, gasolina at makeup.

Baka naman after three or four or five years, gusto na umalis dahil advertising wise, ilan-ilan lang ang PBA fans ang interesado sa shipping. Makatulong kaya sa negosyo nila?

Kailangan ito isipin mabuti ng PBA at ng Starhorse.

Magandang topic ‘yan.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with