^

PSN Palaro

Yulo kakayod pa ng husto para sa Paris Olympics

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Yulo kakayod pa ng husto para sa Paris Olympics
Carlos Edriel Yulo
STAR / File

MANILA, Philippines — Sa kabila ng matikas na performance nito sa World Cup Series sa Doha, Qatar, hindi pa kuntento si world champion Carlos Edriel Yulo.

Kaya naman wala itong balak huminto upang mas lalo pang maging pulido ang galaw nito para sa 2024 Paris Olympics sa Hulyo.

“Marami pang kailangang ayusin para mas maging maganda ang performance ko sa Paris Olympics,” ani Yulo.

Sumungkit si Yulo ng gintong medalya sa men’s parallel bars habang nakapilak naman ito sa men’s vault event sa Doha Leg ng World Cup Series.

Nagawa ito ni Yulo na wala si Japanese coach Munehiro Kugiyama.

Sa kasalukuyan, all-Filipino ang coaching staff ni Yulo. Bukas ang pintuan ni Yulo sa posibilidad na mu­ling magkaroon ng fo­reign coach.

Subalit kuntento na rin ito na kasama sina c­oaches Aldrin Castañeda at Hazel Calawod na katuwang nito sa pagpaplano sa kanyang performance.

Sa ngayon, ikinakasa na ni Yulo ang magiging performance nito para sa Paris Olympics.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with