^

PSN Palaro

Sarno maraming pinagdaanan bago maabot ang Paris Olympics slot

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinahagi ni weightlifter Vanessa Sarno ang paghihirap nito bago maabot ang inaasam na tiket sa Paris Olympics.

Sariwa pa si Sarno sa matamis na pagkopo ng silya sa kanyang kauna-unahang Olympics matapos ang impresibong ipinamalas nito sa IWF World Cup na ginanap sa Phuket, Thailand.

Maraming pinagdaanan si Sarno kung saan dugo’t pawis ang naging puhunan nito para maisakatuparan ang minimithing tagumpay.

Kaya naman hindi maitago ni Sarno ang saya dahil nagbunga ang lahat ng kanyang pagsisikap.

“Maraming taong nagdoubt, maraming taong su­mira, maraming masasakit na salita akong natanggap, ma­ra­ming taong nagjudge, maraming criticism akong natang­gap, maraming hindi magagandang kwento na lumabas about sa akin, chismis, issue at iba pa,” ani Sarno.

Aminado si Sarno na hindi madali ang buhay atleta.

Maraming pagsubok na darating ngunit kailangang maging matatag para malampasan ito.

Hindi nakaligtas si Sarno sa mga ganitong pagsubok.

At malaki ang pasasalamat nito sa mga taong patuloy na naniniwala at sumusuporta sa kanya.

“Life and experience of being an athlete has always been hard. I have tried v­arious things to make myself motivated no matter how big the waves of challenges and problems are crashing upon me,” ani Sarno.

May mga pagkakataon na gusto na sumuko ni Sarno subalit hindi ito bumibitiw dahil pangarap nito ang patuloy na mabigyan ng karangalan ang bansa.

Sesentro na ang atensiyon ni Sarno sa paghahanda nito para sa Paris Olympics.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with