^

PSN Palaro

Brownlee sasabak agad sa IBL

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Brownlee sasabak agad sa IBL
Justin Brownlee
STAR/File

MANILA, Philippines — Kaagad na sasalang si Justin Brownlee bukas para sa three-time champion Pelita Jaya Basketball Club sa Indonesia Basketball League (IBL).

Babanderahan ng Gilas Pilipinas naturalized guard at Barangay Ginebra resident import ang Pelita Jaya, may 7-1 record sa elimination round, sa pagsagupa sa Rans Simba.

May basbas ng Ginebra management at Gilas ang pansamantalang paglalaro ng six-time PBA champion import sa Indonesian league bilang preparasyon niya sa darating na FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Hulyo.

Tinulungan ni Brownlee ang Gilas sa pagkopo sa gold medal ng nakaraang 19th Asian Games sa Hangzhou, China. Pinagbidahan din niya ang mga panalo ng Natio­nals sa Hong Kong at Chinese Taipei sa first window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

Makakatuwang ng 35-anyos na si Brownlee sa kampanya ng Pelita Jaya sa IBL sina dating PBA imports KJ McDaniels at Thomas Robinson.

Isinuot ni McDaniels ang mga uniporme ng TNT Tropang Giga, Meralco at NLEX sa PBA simula noong 2019 hanggang 2023 habang kumampanya si Robinson para sa Road Warriors bago ang biglaang pag-uwi sa nakaraang Commissioner’s Cup.

vuukle comment

JUSTIN BROWNLEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with