^

PSN Palaro

Brownlee maglalaro sa Indonesian League

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Brownlee maglalaro sa Indonesian League
Si naturalized player Justin Brownlee kasama si volleyball star Sisi Ron dina ng Choco Mucho..
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sa Indonesia naman su­nod na magpapasiklab ang Gilas Pilipinas natura­lized player at resident PBA import ng Barangay Ginebra na si Justin Brownlee.

Kinumpirma ni Brownlee kamakalawa ng gabi ma­tapos manood ng Premier Volleyball League (PVL) sa Philsports Arena sa Pasig City ang susunod na plano sa Indonesia Basketball League (IBL) bagama’t hindi pa sinabi kung para saang koponan.

Bukas aalis si Brownlee at maglalaro sa In­donesia hanggang sa Hunyo.

Sakto ito sa pagbabalik ng training camp ng Gilas sa naturang buwan para maghanda sa FIBA Olympic Qualifying Tournaments sa Hulyo na daan patungo sa Paris Olympics.

Paraan ito ng pagpa­pa­natili ni Brownlee sa kun­disyon habang wala pang laro ang Gilas pati na ang kanyang mother team na Ginebra sa PBA, ayon na rin sa abiso ni Gilas at Ginebra mentor Tim Cone.

Kasalukuyang nagda­ra­os ng Philippine Cup ang PBA ngayon na wala munang imports kaya bakante si Brownlee upang maglaro sa iba.

Hindi nakalaro si Brownlee para noon ay reig­ning champion na Gi­nebra sa katatapos lang na Commissioner’s Cup da­hil ti­napos muna niya ang tat­long bu­wang suspen­syon matapos ang isyu ng do­ping pagkatapos ng Asian Games.

Ginabayan ni Brownlee sa gintong medalya ng Asian Games ang Gilas at bago iyon ay dinala ang Ginebra sa Commissioner’s Cup championship matapos talunin ang guest team na Bay Area sa Game Seven sa harap ng PBA record crowd na 54,589 fans sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Opisyal na nagbalik sa aksyon ang 35-anyos na pambato noong nakaraang buwan para sa Gilas na tinambakan ang Hong Kong, 94-64, at Chinese Taipei, 106-53, para sa li­derato ng Group B ng FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers tampok din ang New Zealand.

Bago maglaro sa Pi­lipinas at sa Indonesia ay sumalang na rin dati si Brownlee sa NBA G-League, Mexico, Italy, Le­banon, United Arab Emi­rates at ASEAN Basketball League.

vuukle comment

JUSTIN BROWNLEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with