^

PSN Palaro

Valientes tututukan ang programa sa grassroots

Philstar.com
Valientes tututukan ang programa sa grassroots
Isa sa mga bersion ng koponan ng Zamboanga Valientes
Zamboanga Valientes

MANILA, Philippines – Itututok nina Zamboanga Valientes co-owners Mike Venezuela at Junnie Navarro ang kanilang programa sa grassroots development ng kanilang probinsya para makadiskubre ng mga future basketball heroes.

Ang Zamboanga ang pinagmumulan ng mga future basketball stars sa mga nakalipas na taon kagaya nina grand slam champions Mark Barroca at Bai Cristobal, many-time titlist Sonny Thoss at RR Garcia at Jonathan Parreno na nakapaglaro at kasalukuyang naglalaro sa PBA.

Kaya maraming natatanggap na imbitasyon sina Venezuela at Navarro para maglaro ang Valientes team sa ibang bansa.

“There were invitations and they want us to bring homegrown talents from Zamboanga, so we’ll make an announcement soon where we’re going to compete,” ani Venezuela.

Nagmula ang Valientes sa kampanya sa Asean Basketball League at paghahari sa VisMin Cup Invitational tournament katuwang sina two-time NBA champion Mario Chalmers at dating San Miguel Beer import Renaldo Balkman.

Si Chalmers ay dating miyembro ng two-time champion team Miami Heat, habang dating import ng San Miguel si Balkman na nagkampeon sa ABL katambal si Justin Brownlee.

Sa mga nakaraang taon ay nakadiskubre ang Valientes ng mga homegrown talents kagaya nina spitfire guards Denver Cadiz at Jeff Bernardo na naglaro sa VisMin Cup at ABL.

Nagmula ang Valientes sa paglahok sa ABL at sa VisMin Cup Invitational tournament kung saan nila tinalo ang ZamPen para sa korona.

vuukle comment

BASKETBALL

ZAMBOANGA VALIENTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with