De Brito hanga kay Canino
MANILA, Philippines — Malaki ang ambag ni wing spiker Angel Canino sa kampanya ng Alas Pilipinas sa nakalipas na 2024 AVC Challenge Cup na ginanap sa Rizal Memorial Coliseum.
Isa ang De La Salle University standout sa mga pinagkukunan ng lakas ng Alas Pilipinas na nakasikwat ng tansong medalya sa AVC Challenge Cup — ang unang medalya ng bansa sa naturang torneo.
Kaya naman hanga si Alas Pilipinas head coach Jorge Souza de Brito sa abilidad ni Canino.
Naniniwala si De Brito na malayo pa ang mararating ni Canino lalo pa’t bata pa ito at marami pang kayang ilabas sa mga susunod na panahon.
“One of the most important aspects is that because she’s still young, she has a long way to go in the UAAP,” ani De Brito.
Isa pa sa hinangaan ni De Brito kay Canino ang kakayahan nitong maglaro sa iba’t ibang posisyon.
Orihinal na outside hitter si Canino sa Lady Spikers.
Ngunit naglaro ito bilang opposite hitter sa Alas Pilipinas sa AVC Challenge Cup.
Hindi naman binigo ni Canino ang buong sambayanan dahil epektibo ito sa kanyang bagong posisyon.
Sa katunayan, itinanghal pa itong Best Opposite Hitter sa AVC Challenge Cup.
- Latest