^

PSN Palaro

4 ginto kinamig ng Philippines junior team sa Doha, Qatar

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy ang magandang ratsada ng national ju­nior weightlifting team matapos masungkit ang ikaapat na gintong me­dalya sa 2024 Asian Youth Weightlifting Championships sa Doha, Qatar.

Napasakamay ni Jho­die Peralta ang gintong me­dalya mula sa Youth Wo­men’s 55-kilogram ca­tegory kung saan nagreyna ito matapos itarak ang 184 kg.

Tinalo ni Peralta sina Ko­yel Bar ng India na nag­kas­ya sa pilak matapos maglista ng 182 kg at Luong Thi Thanh Tuyen ng Viet­nam na nagtala naman ng 178 kg para sa tansong medalya.

Nagkasya lamag si Pe­ral­ta sa pilak sa clean and jerk bunsod ng nakuha nitong 100 kg.

Sa snatch bumuhat ito ng 84 kg.

Sa kabuuan ay may apat na gintong medalya na ang Team Philippines sa naturang torneo.

Humataw ng dalawang gintong medalya si Aldrin Colonia sa men’s youth 49 kg event clean and jerk at sa total overall lift.

PERALTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with