^

PSN Palaro

May ibang daan ang triathletes sa Tokyo Olympics

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
May ibang daan ang triathletes sa Tokyo Olympics
Kim Mangrobang
STAR/ File

MANILA, Philippines — Bigo sina 2019 Southeast Asian Games gold medalist Kim Mangrobang, Fil-Spaniard Fer Casares at Kim Remolino na makasikwat ng tiket para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Nagtala si Mangrobang ng oras na 2:16:57 para tumapos sa No. 11 sa women’s class na pinagreynahan ni Zhong Mengying (2:08:10) ng China sa katatapos na 2021 Asian Triathlon Championships sa Hatsukaichi, Japan.

Nahulog naman si Casares sa No. 13 sa men’s division matapos magtala ng 1:57:40 na malayo sa 1:48:59 ng gold medalist na si Kenji Nener habang hindi natapos ni Remolino ang karera dahil maiwanan sa bike leg.

Dalawang Olympic berth lamang ang itinaya sa nasabing torneo.

Maaari pang makapitas ng Olympic ticket sina Mangrobang, Casares at Remolino sa pamamagitan ng pagkolekta ng ranking points sa mga sasalihang karera sa mga susunod na linggo.

Lalahok ang 29-anyos na si Mangrobang sa apat hanggang limang torneo sa Northern Africa at Southern Europe at sasali sina Casares at Remolino sa dalawang Japan competitions.

Kailangan ng tatlong national triathletes na sumali sa mga qualifying races at pumuwesto sa Top 70 hanggang 75 sa buong mundo.

Sakaling hindi ito mangyari ay ipagdarasal na lamang nila na mabigyan ang Pilipinas ng wild card berth para sa bagong flag category dahil wala pang Pinoy na nakasali sa triathlon event ng Olympics.

Sina weightlifter Hidilyn Diaz,  pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam pa lamang ang mayroong Olympic slot.

BIGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with