^

PSN Palaro

Pacquiao-Bradley 3 mas maaksyon--Atlas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ikinumpara ni Teddy Atlas, ang chief trainer ni Timothy Bradley Jr., ang ikatlong laban nina Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao at Bradley sa Presidential election.

Sinabi ni Atlas na inaasahan niyang ibubuhos nina Bradley at Pacquiao ang lahat ng kanilang lakas para sa ‘trilogy’ nila sa Abril 9 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“This is the final debate and unlike politicians, these two guys are always living up to their campaign promises,” wika ni Altas sa panayam ng BoxingScene.com. kina Pacquiao at Bradley.

Inaasahan ni trainer Freddie Roach na mapapabagsak ng 37-anyos na si Pacquiao ang 33-anyos na si Bradley sa loob ng nine rounds.

Kumpiyansa naman si Atlas na si Bradley ang huling boksingerong magpapalasap ng kabiguan kay Pacquiao na nakatakdang magretiro matapos ang laban para tutukan ang kanyang political career.

Nangako si Atlas na hindi masasayang ang ibabayad ng mga boxing fans sa naturang Pacquiao-Bradley III.

“When Pacquiao and Bradley get in the ring, they bring talent, they bring aggression, and they bring heart. They bring ability to win at the highest level,” sabi ni Atlas.

Tinalo ni Bradley si Pacquiao sa una nilang paghaharap noong Hunyo ng 2012 matapos ilusot ang kontrobersyal na split decision victory.

Nakabawi naman ang Filipino boxing superstar matapos kunin ang kumbinsidong unanimous decision win sa kanilang rematch noong Abril ng 2014.

Determinado si Pacquiao na muling talunin si Bradley para sa kanyang pinakahuling laban makaraang matalo kay Floyd Mayweather Jr. sa kanilang super fight noong Mayo 2.

ABRIL

ANG

BRADLEY

FLOYD MAYWEATHER JR.

FREDDIE ROACH

LAS VEGAS

PACQUIAO

TEDDY ATLAS

TIMOTHY BRADLEY JR.

WHEN PACQUIAO AND BRADLEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with