^

PSN Opinyon

I-monitor ng PN at PCG ang nagpapaanod ng shabu

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KUNG nais ni President Ferdinand Marcos Jr., na mawalis ang mga bultu-bultong droga sa bansa, imando niya sa Philippine Navy (PN) at Philippine Coast Guard (PCG) ang pag-monitor at paghabol sa mga sasakyang-dagat na naghahagis ng droga sa karagatan.

Ang PN at PCG ay may radar system na may kaka­yahang ma-locate ang mga sasakyang naghahagis ng shabu sa dagat. May kakayahan din ang mga ito na habulin ang mga sasakyan ng drug syndicates.

Bagamat naibibigay naman ng mga mangingisda ang nasasagip na saku-sakong shabu sa Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine National Police at National Bureau of Investigation, hindi maiiwasang isipin na may tauhan ang tatlong ahensiya na nagsusubi ng shabu. Ire-recycle nila ito at malaking pera ang kikitain.

Kapag nangyari ito, maraming magiging sugapa at masisira ang buhay lalo na ang mga kabataan. Kaya dapat paigtingin ang pag-monitor sa mga karagatan upang hindi makalusot ang drug syndicates na nagpapaanod ng shabu sa dagat.

Ngayong Hunyo lamang, bilyong pisong halaga ng shabu ang nasagip ng mga mangingisda sa baybayin ng Bataan, Zambales, Ilocos Norte, La Union at Cagayan. Lulutang-lutang ang mga selyadong shabu na may mga nakasulat na Chinese characters. Ayon sa PDEA, isang malaking drug syndicate na nag-o-operate sa Asia ang nasa likod ng lulutang-lutang na shabu.

***

Samantala, marami na ang naiinis sa mabagal na pagkilos ni Senate President Chiz Escudero sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte. Palagay ko, walang balak ang Senado para maumpisahan ang impeachment trial dahil maraming ginagawang dahilan para ma-delay.

Isa sa ginawa ay ibinalik ng Senado sa House ang reklamo kay Sara.

Nagsalita na ang retired Supreme Court Justices na kailangang ituloy na ang impeachment trial ni Sara. Hindi raw nakasaad sa Constitution na dapat ibalik sa House ang reklamong naisumite na.

Dapat talagang maumpisahan na ang impeachment trial ni Sara para malaman kung saan ginamit ang milyong pisong intelligene fund ng OVP at pondo ng DepEd. Para makilala kung sino ba si Mary Grace Piattos.

PHILIPPINE COAST GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with