KD ibinigay ng Suns sa Rockets
HOUSTON — Hinugot ng Rockets si 15-time All-Star at four-time Olympic gold medalist Kevin Durant mula sa Phoenix Suns sa isang blockbuster deal kahapon.
Para makuha si Durant mula sa Phoenix ay ibinigay ng Houston sina Fil-Am Jalen Green, Dillon Brooks at anim na future picks — kasama ang No. 10 selection sa opening round ng 2025 NBA Draft.
“Being part of the Houston Rockets, I’m looking forward to it,” ani Durant na nasa Fanatics Fest sa Javits Center sa New York nang ihayag ang trade. “Crazy, crazy last couple weeks, but I’m glad it’s over with.”
Ito ang tumapos sa mga ispekulasyon hinggil sa pupuntahang koponan ni Durant.
Kabilang sa mga ito ay ang Miami Heat at Minnesota Timberwolves.
Ngunit sa huli ay tinanggap ng Suns ang offer ng Rockets.
Ipagdiriwang ni Durant ang kanyang ika-37 kaarawan sa Setyembre.
- Latest