MCC-PYTER Kiddies chessfest lalarga sa Jan. 25
MANILA, Philippines – Magdaraos ang Metropolitan Chess Club ng kiddies chess tournament sa Enero 25 sa Pyter Canteen sa Virra Mall, Sucat, Parañaque.
Ang one-day event na ito ay tinawag na MCC-Pyter Kiddies 14 & below Chess tournament at bukas ito sa boys at girls na ipinanganak noong 2000 pataas. Ang format ng kompetisyon ay isang 7-round Swiss System at ang time control 20 minuto para matapos ang laro.
Sinahugan ito ng P10,000.00 kabuuang premyo na ipamimigay sa unang sampung manlalaro na tatapos sa tagisan.
Halagang P2,000.00 ang unang gantimpala habang P1,500,00, P1,000.00 at P500.00 ang mapupunta sa papangalawa hanggang papang-apat.
Ang ikalima hanggang ika-10 puwesto ay may P300.00 premyo. May P500.00 ang lalabas bilang pinakamahusay na manlalaro sa 8-under at 10-under.
Ang entry fee ay P250.00 at kasama na rito ang tanghalian at hapunan ng manlalaro bukod sa meryenda at isang mineral water.
Kailangan din na magdala ng sariling chess set at clocks ang sasali.
Ang registration ay tinatanggap tuwing weekends sa MCC Parañaque branch na matatagpuan sa 3F, NES Commercial Bldg. K sa Evacom, Sucat.
Maaari ring tawagan ang 0922-822-6319 o 0935-370-8808 o bisitahin ang facebook: “Milo Checkmate Chess Clinics and Sports Academy”.
- Latest