^

PSN Palaro

McClinton paghahandaan ang 2 world tournaments

- RMP - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dalawang world tour­na­ments ang sasalihan ni Filipina bodybuilder Luz­viminda “Mama Luz” McClinton matapos magtagumpay sa Phil-Asian Pacific International Bodybuilding Championships sa Cebu City.

Ang 33-anyos na si McClinton ay tutulak sa Oklahoma sa Nobyembre 10 para lumaban sa World Body Figure and Fitness Building Championships bago tumulak patungong Berlin, Germany para sa isa pang world class tournament sa Nobyembre 24.

Hindi naman naka­ka­gulat kung bakit ganito ang naaabot ni McClinton dahil bunga ito ng kanyang pagmamahal sa sport at ang hangaring bigyan ng pagkilala ang Pilipinas.

“I love this sport. It’s my passion. I’m in love with it,” wika ni McClinton nang dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.

Ngunit kailangan ding magsakripisyo si McClinton para mapanatili ang magandang porma at isa rito ay ang no-salt, no-oil diet at tanging ang inihaw at pinasingawan ang kanyang mga puwedeng kainin.

Bago ang tagumpay sa Phil-Asian Championship, si McClinton na may isang anak na babae na edad 13-anyos, ang itinalaga bilang kauna-unahang Filipina bodybuilder na nanalo sa Pro Fame Figure noong 2010 World Championship sa Las Vegas.

Isa rin sa sakripisyo niya ay ang kawalan ng tulong pinansyal sa pamahalaan kahit bitbit niya ang bansa kapag lumalaban sa mga torneo.

Ang mga malalapit na kaibigan ang mga tumutulong sa pagtustos sa kanyang pangangailangan kapag lumalaban.

CEBU CITY

FILIPINA

LAS VEGAS

MAMA LUZ

NOBYEMBRE

PHIL-ASIAN CHAMPIONSHIP

PHIL-ASIAN PACIFIC INTERNATIONAL BODYBUILDING CHAMPIONSHIPS

PRO FAME FIGURE

WORLD BODY FIGURE AND FITNESS BUILDING CHAMPIONSHIPS

WORLD CHAMPIONSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with