^

PSN Palaro

Beterano at bagitong boxers isasabak sa 21st President's Cup

-

MANILA, Philippines - Bubuuin ng mga bete­rano at bagitong boksingero ang ilalabang koponan ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) sa 21st President’s Cup sa Gelora Bung Karno Stadium sa Istor Senayan.

Aalis ang siyam na lahok ng ABAP ngayon at ang kom­petisyon ay tatakbo mu­la Hulyo 1 hanggang 3 na kung saan inaasahang nasa 200 boksingero mula sa 30 bansa ang kasali.

Sa kalalakihan makikita ang mga baguhan sa ko­ponan dahil tanging si lightweight Charly Suarez lamang ang beterano.

Makakasama niya na maghahangad ng medalya sa men’s division sina light flyweight Clark Bautista, flyweight Edillo Abrea Jr., bantamweight Nilo Magliquian, light welterweight Nathaniel Montealto at welterweight Rheinald Michael Brina.     

Ang kukumpleto sa de­le­gasyon ay light flyweight Jo­sie Gabuco, flyweight Analisa Cruz at bantamweight Nesthy Petecio.

Gagamitin ng ABAP ang kompetisyon bilang ba­hagi ng kanilang tryouts upang madetermina ang ipadadalang boxers sa 2011 World Championships sa Baku, Ajerbaijan mula Setyembre 25 hanggang Oktubre 8.

Mahalaga ang World Championships dahil isa ito sa dalawang London Olympics qualifying tournament.

Ang mga bigating bansa na China, Thailand, Ka­zakhs­tan, Russia at host In­donesia ang mga mangu­nguna bukod pa ang India, Afghanistan, Australia, Bhutan, Botswana, Hong Kong, Iran, Japan, Kyrgyztan, Malaysia, Mongolia, Myanmar, Nepal at Vietnam.

Si ABAP executive director Ed Picson ang tatayong team manager habang ang asawang si Maria Karina Picson at mga coaches Ronald Chavez, Sonny Dollente at Mitchel Martinez ang kukumpleto sa Pambansang delegasyon.

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ANALISA CRUZ

CHARLY SUAREZ

CLARK BAUTISTA

ED PICSON

EDILLO ABREA JR.

GELORA BUNG KARNO STADIUM

SHY

WORLD CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with