^

PSN Palaro

Eala sinibak si Sakkari

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala sinibak si Sakkari
Ang backhand return ni Alex Eala laban kay Maria Sakkari ng Greece sa semifinals ng Hong Kong Open.
Hong Kong Open

Kakasa kay Liu sa Hong Kong open finals

MANILA, Philippines — Inilabas ni Pinay netter Alex Eala ang buong puwersa nito sa third set upang maitakas ang pukpukang 7-5, 3-6, 6-4 panalo laban kay Maria Sakkari ng Greece upang umusad sa finals ng Hong Kong Open kahapon sa Victoria Park Center Court sa Causeway Bay, Hong Kong.

Makailang ulit na naudlot ang laban dahil sa ulan.

Ngunit hindi natinag si Eala upang masiguro ang pag-entra nito sa finals sa ikalawang pagkakataon sa season na ito.

Nagpakawala si Eala ng solidong forehands at ilang crosscourt hits para pigilan ang pagtatangka ni Sakkari.

Nailatag ni Eala ang 4-1 kalamangan sa third set.

Subalit nagpakawala si Sakkari ng sariling ratsada nang kunin nito ang tatlong sunud-sunod na games para maitabla ang laro sa 4-all

Subalit iyon na lamang ang nakayanan ni Sakkari na nagtala ng ilang kru­syal na unforced errors na sinabayan pa ng matitikas na atake ni Eala para makuha ng Pinay bet ang panalo.

“I tried every point to stay there and step up my point. I’m really happy that I was able to come out as better player,” ani Eala.

Makakasagupa ni Eala sa finals si Claire Liu ng Amerika.

“I’ll try to be positive coming into the final,” ani Eala.

Nanaig si Liu kay A­le­xandra Shubiadze ng Russia sa pamamagitan ng 7-5, 6-4 panalo sa hiwalay na semis match.

Ito ang ikalawang beses na maghaharap sina Eala at Liu.

Nagtagpo na ang dalawa noong nakaraang taon kung saan naitarak ni Liu ang 2-6, 6-4, 6-4 panalo kay Eala sa Round of 32 ng Guangzhou Open sa China noong Oktubre 21.

Kaya naman inaasahang ilalabas ni Eala ang buong bagsik nito upang makaresbak kay Liu.

Pakay ni Eala na masungkit ang kanyang ikalawang WTA title sa taong ito.

Una na itong nagkampeon sa Mubadala DC Open sa Washington DC noong Agosto.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with