Eala paborito sa WTA most improved player award

MANILA, Philippines — Isa si Alex Eala sa mga paboritong manalo bilang Most Improved Player ng WTA Tour sa season na ito.
Sinimulan ni Eala ang season sa ika-50 puwesto sa WTA rankings.
Unti-unti itong umangat sa kanyang career-high na No. 17 dahil na rin sa matikas na kampanya nito sa taong ito.
Kabilang na sa tagumpay ni Eala ang pagkopo ng kanyang kauna-unahang WTA Tour title matapos pagreynahan ang Mubadala DC Open sa Washington, DC.
Tinalo ni Eala sa finals si Jessica Pegula ng Amerika para masungkit ang kampeonato sa naturang torneo.
Hindi rin malilimutan ng lahat ang pagpasok ni Eala sa fourth roung ng Wimbledon sa London, England kung saan tinalo nito sa third round si 2025 champion Iga Swiatek ng Poland.
Nakatungtong din si Eala sa third round ng US Open sa New York.
Sa taong ito, may pitong panalo si Eala laban sa mga Top 10 players.
Maliban kay Swiatek, kasama rin sa listahan si world No. 1 Elena Rybakina ng Kazakhstan gayundin sina Coco Gauff ng Amerika at Elina Svitolina ng Ukraine.
Magiging matinding karibal ni Eala sa Most Improved Player award si Linda Noskova ng Czech Republic.
Matatandaang nasungkit ni Noskova ang kanyang kauna-unahang Grand Slam nang pagreynahan nito ang Wimbledon.
Ngunit naniniwala si Australian Rennae Stubbs na malaki ang tsansa ni Eala na makuha ang naturang pagkilala.
Isa pang award na posibleng makuha ni Eala ang Newcomer of the Year.
- Latest



















