Curry pasikat kontra Heat

SAN FRANCISCO - Nagpasabog si Stephen Curry ng 29 points kasama ang anim na three-point shots, habang kumolekta si rookie Yaxel Lendeborg ng 17 points, walong rebounds at anim na assists sa 120-100 pagtambak ng Golden State Warriors sa Miami Heat.
Ito ang ikaanim na sunod na arangkada ng Warriors (6-3) matapos ang 0-3 panimula sa season.
Humakot si Giannis Antetokounmpo ng 20 points at 14 rebounds at nag-ambag si Davion Mitchell ng 22 points para sa Heat (3-6) na nakahugot kay Bam Adebayo ng 18 markers at 10 rebounds.
Pinamunuan ni Curry ang hinataw na 26 points ng Golden State sa third period kasabay ng paglimita sa Miami sa siyam na puntos.
Kumamada si dating ‘Splash Brother’ Klay Thompson ng 11 points para sa Heat sa kanyang reunion sa mga dati niyang Warriors teammates.
Sa Phoenix, bumanat si Devin Booker ng 30 points at nagdagdag si Dillon Brooks ng 24 markers sa 117-104 pagsunog ng Suns (2-5) sa Orlando Magic (2-6).
Tinapos ng Phoenix ang kanilang four-game losing slump.
- Latest























