Blue Eagles kumakaway sa twice-to-beat

MANILA, Philippines — Tumibay ang kapit ng University of the Philippines sa tuktok ng team standings matapos nilang katayin ang Ateneo de Manila University, 82-74 kagabi sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa SMART Araneta Coliseum.
Napahaba ng Fighting Maroons ang kanilang winning streak sa pito, kasalukuyang hawak nila ang 9-2 karta, solo naman sa pangalawang puwesto ang National University Bulldogs sakmal ang 7-3 record.
Lumakas ang tsansa ng UP na makasilo ng twice-to-beat advantage sa susunod na phase.
Maagang bumalasik ang Blue Eagles sa unang canto dahil lumamang agad sila ng pito, 20-13, pero natapyasan ang bentahe nila sa tatlo, 39-36 sa halftime.
Biglang uminit ang opensa ng UP sa third canto sa pangunguna ni Veejay Pre, naagaw nila ang lamang, 64-57 papasok ng fourth quarter.
Uminit ang bakbakan sa payoff period nang makadikit ang Ateneo, pero hindi nasira ang diskarte ng UP kaya nasikwat ang mahirap na panalo.
Laglag ang Ateneo pang limang puwesto sila hawak ang 5-6 baraha.
Samantala, tinapos ng University of the East ang kanilang 30-game losing streak matapos sorpresang talunin ang Adamson, 53-47, sa unang laro.
Bago tinuldukan ang ikalawang pinakamahabang losing streak sa liga, nasilo ng RedWarriors ang huling panalo noong Oktubre 26, 2024, nang talunin nila ang National University, 74-58 sa ikalawang round ng Season 87.
- Latest


















