Kayo ang humusga
Foul ba? Or travelling? Or manipis na tawag?
‘Yan ang mga katanungan sa final seconds ng Game 4 ng San Miguel Beer vs Ginebra best-of-five semis sa PBA Governors’ Cup nung Friday.
Nasa ringside tayo ng Araneta Coliseum ‘nung mangyari.
Final 20 seconds at lamang ng tatlo ang SMB. Rumeremate ang Ginebra ‘nung mag-inbound play ang Beermen.
Pinasa ni Marcio Lassiter kay George King na dinikitan ni Scottie Thompson. May contact ang kanang kamay ni Scottie sa baywang ng import.
Then nag-travelling. Pero pumito ng foul ang referee.
Galit si coach Tim Cone. Halos lumusob sa court. Mabuti dehins na-technical.
Eventually, olats ang Ginebra at umabot sa Game 5 ang series sa Martes sa Antipolo.
“We got killed with that call,” sabi ni coach Tim.
“The referees got to get better,” ang dagdag niya bago lumakad palayo sa aming mga reporters.
Galit eh. Understandable.
Napanood ko kahapon ang slow mo replay. Isang dosenang beses ko yata inulit.
No comment na lang ako.
- Latest

















