^

PSN Palaro

Laylo nakipag-draw, hawak pa rin ang pangunguna

-

TAGAYTAY City, Philippines - Naki­pag-draw si GM Darwin Laylo kay IM Wei Ming Goh ng Singapore sa seventh round para patuloy na manguna sa 2011 Asian Zone 3.3 chess championships dito sa Tagaytay International Convention Center.

Si Laylo, umaasang makakalaro sa World Cup sa ikatlong pagkakataon matapos maging GM no­ong 2007, ay may 5.5 points mula sa kanyang 4 wins at 3 draws.

Ang 31-anyos na tubong Lipa City, nagkam­peon sa 2009 Asian Zonals sa Vietnam, ay nasa itaas nina Goh, GM Mark Paragua, top seed GM Zhang Zhong ng Singapore at GM Susanto Megaranto ng Indonesia sa natitirang dalawang rounds.

 “I’ll have to play a little more cautiously now, but I’ll go for the win if there’s an opportunity in the final two rounds,” wika ni Laylo.

Nakipag-draw rin si Pa­­ragua kay Megaranto, habang tinalo ni Zhang si Asia’s first GM Eugene Torre para sa kanyang 5.0 points.

Iginupo naman ni IM Oliver Barbosa si IM Oliver Dimakiling at giniba ni iM Richard Bitoon si Hakiki kaisar ng Indonesia para sa kanilang tig-4.5 points.

Sa women’s division, hi­niya ni WIM Beverly Men­doza si Victoria Wei Chan ng Singapore, habang naghati rin sa puntos sina Jan Jodilyn Fronda at Jedara Docena sa all-Filipina match upang makatabla para sa 11th hanggang 16th places tag­lay ang 4 puntos.

Sina Fronda at Docena ay kapos na lamang ng 1 1/2 puntos sa likod ni Nguyen Thi Thanh An ng Vietnam, na tinalo ang da­ting leader na si WGM Irine Kharisma ng Singapore para masolo ang liderato ma­tapos iposte ang 5.5 puntos.

ASIAN ZONALS

ASIAN ZONE

BEVERLY MEN

DARWIN LAYLO

EUGENE TORRE

IRINE KHARISMA

JAN JODILYN FRONDA

JEDARA DOCENA

MARK PARAGUA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with