^

PSN Palaro

4 teams sisipat ng puwesto sa quarters sa D-League

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Makikilatis ang pagpupursige ng laro ng Maynilad sa pagsisimula ng PBA D-League Foundation Cup Playoffs ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Makakaharap ng Water Dragons ang Freego Jeans sa ganap na alas-2 ng hapon sa tagisang ang matatalo ay mamamahiga sa liga.

Ang tampok na sulta­da ay katatampukan ng bakbakan sa pagitan ng Blackwater at Junior Po­werade dakong alas-4 at ang mananalo ay aabante naman sa quarterfinals upang masamahan ang mga nakapuwesto nang NLEX, PC Gilmore, Cebuana Lhuillier at Max Bond Super Glue.

Pre-season favorites ang Maynilad matapos buuin ito ng mga manlalaro mula sa NCAA champion San Beda.

Pero on and off ang laro ng tropa ni coach Frankie Lim upang magkaroon lamang ng 3-3 karta sa classification round sa Group A.

Mataas ang ekspektas­yon pa rin sa Maynilad da­hil ang manlalaro ng Red Lions ay nagtungo sa US para dumalo sa isang training camp.

Hindi man magagamit ang serbisyo ni Sudan Daniel ay tiyak naman na maganda ng kondisyon ng bataan ni Lim bunga ng pagdalo sa Camp.

Tiyak namang bibigyan sila ng magandang laban ng Falcons na hinulaan din bilang palaban na koponan pero nagkaroon lamang ng 2-4 karta.

Ito naman ang ikala­wang sunod na knockout game na papasukin ng Powerade matapos unang kalusin ang Café France 77-65, nitong Martes upang makuha ang karapatang manatiling buhay ang ha­ngaring korona sa ligang nilahukan ng 13 teams.

Sasandal si coach Ricky Dandan sa husay ng mga UP players sa pangunguna ni Alvin Padilla na siyang nagbida sa huling laban.

“Blackwater has a deeper lineup and it will surely be a tough challenge for us on how to contain them,” wika nga ni Dandan.

Si coach Leo Isaac naman ay sasandal sa husay nina Adrian Celada, Gio Ciriacruz at Ian Mazo para patuloy na lumaban.

vuukle comment

ADRIAN CELADA

ALVIN PADILLA

CEBUANA LHUILLIER

CUP PLAYOFFS

D-LEAGUE FOUNDATION

FRANKIE LIM

FREEGO JEANS

GIO CIRIACRUZ

GROUP A

MAYNILAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with