^

PSN Palaro

7 Japanese duathletes sali sa ITU Subic duathlon

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Pitong duathletes mula sa Japan ang maagang nag­patala para sa gaga­naping ITU Subic Bay Duath­lon Open na ilalarga sa Nobyembre 20 at 21 sa Subic Bay Event and Convention Center.

Ang mga nagpatala na para sa kompetisyong inorganisa ng Triathlon Association of the Philippines (TRAP) at suportado ng International Triathlon Union (ITU) ay sina Masaaki Kurihara, Takashi Nakata, Sigeki Yoshida at Kei Yoneda sa kalalakihan at Airi Sawada, Ami Haishima at Nanas Kawashima sa kababaihan.

Si Sawada ang siyang nagdomina sa kababaihan sa idinaos na Asian Duathlon Championships noong nakaraang taon na ginawa rin sa Subic.

Mamumuno naman sa Pambansang kalahok ang number one sa kababaihan na si Monica Torres na hangad na mahigitan ang ikalawang puwesto na naabot sa ADC.

Wala naman si Neil C­a­tiil, pumangalawa sa kalalakihan sa nagdaang taong Asian championships, dahil kasali ito sa Asian Games sa Guangzhou China sa larangan ng triathlon.

Dahil dito, sina August Benedicto, Robeno Javier at Jose Carlo Pedregosa ang siyang mga sasandalan sa kalalakihan ng host country.

AIRI SAWADA

AMI HAISHIMA

ASIAN DUATHLON

ASIAN GAMES

AUGUST BENEDICTO

GUANGZHOU CHINA

INTERNATIONAL TRIATHLON UNION

JOSE CARLO PEDREGOSA

KEI YONEDA

MASAAKI KURIHARA

MONICA TORRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with