^

PSN Palaro

Korona sasakmalin na ng Red Lions

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Itala ang koponan bilang pinakamahusay na team sa kapanahunang ito ang sisikaping gawin ng San Beda sa pagharap uli sa San Sebastian sa pagpapatuloy ng 86th NCAA basketball finals sa Araneta Coliseum.

Kailangan na lamang ng Lions na manalo sa Stags sa kanilang alas-4 ng hapon na tunggalian pa­ra tuluyang mabawi ang titulo at makumpleto ang 18-0 sweep na unang pagkakataon na mangyayari sa liga.

Ang huling koponan na nakagawa ng sweep ay ang San Sebastian no­ong 1996 pero hindi pa ka­sing-dami ng koponan ang kasali noon.

“We’re looking at clo­sing out the series this Friday,” wika ni Lions coach Frankie Lim.

Patok ang Lions matapos ang kagila-gilalas na 93-73 panalo sa unang tagisan nitong Miyerkules sa larong nagtabla pa sa 58-all bago tuluyang kuma­wala sa kuko ng Stags.

Sina Borgie Hermida, Sudan Daniel, Garvo La­nete at Rome dela Rosa a­ng mga kumana nang husto at siya ring sasandalan para makumpleto ang dominanteng taon para sa Bedan community.

“We will be putting all our efforts and focus for Friday’s game,” dagdag pa ni Lim.

Hindi naman isinasara ni Stags coach Renato Agustin ang pintuan sa po­sibleng pagbalik ng kanyang koponan.

Upang mapanatili ang hawak sa titulo, dapat na ma­nalo ng tatlong sunod na laro ang Stags sa Lions.

“Kailangan pa nila ng isang panalo at hanggang hindi pa ito nangyayari ay may tsansa pa kami,” wika ni Agustin.

Sina Calvin Abueva, John Raymundo at Ro­nald Pascual ay nagsanib sa kabuuang 49 puntos pero ang ibang inaasahan tulad ni 6’6 Ian Sangalang ay hindi nakaporma nang malimitahan lamang sa apat na puntos.

“Kailangang tumulong ang second unit namin kung gusto pa naming ma­panatili ang korona,” dag­dag ni Agustin.

Bago ito ay sisikapin din ng Red Cubs na maibigay sa Mendiola based- school ang titulo sa juniors sa pagharap sa Staglets sa ganap na alas-2 ng hapon.

vuukle comment

AGUSTIN

ARANETA COLISEUM

FRANKIE LIM

GARVO LA

IAN SANGALANG

JOHN RAYMUNDO

KAILANGAN

RED CUBS

SAN SEBASTIAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with