Pacman 'di mananalo sa eleksyon - Roach
MANILA, Philippines - Kung sa loob ng ring ay buo ang tiwala at suporta niya kay Manny Pacquiao, hindi naman ganito ang ibinibigay ni trainer Freddie Roach kung ang pagtakbo ng Pambansang kamao ang pag-uusapan.
“I don’t feel he (Manny) will win the Congressional,” wika ni Roach sa panayam ng Boxingscene.
Si Pacquiao ay nagbabalak sa ikalawang pagkakataon na maging kabilang ng House of Representatives sa pagtakbo nito bilang Kongresista sa Sarangani Province sa Mayo 10 pambansang halalan.
Makakalaban ni Pacquiao, ang world pound for pound champion sa mundo ng boxing, si Roy Chiongbian na ang pamilya ang siyang may malaking papel kung bakit umunlad ang nasabing lugar.
Nais man na makitang magtagumpay din ang alaga, ngunit malabo umano ang hangad na tagumpay dahil maging ang mga botante ay ayaw siyang mawala sa boxing.
“I don’t think they want him to be a Congressman because they (Filipino voters) feel like we do, they want him to remain a fighter,” wika ni Roach sa panayam ng Boxingscene.
Kaya nga’t kumbinsido si Roach na babalik uli ng ring si Pacquiao ilang buwan lamang matapos ang halalan at hindi gagawin ang pinangangambahan ng marami na magreretiro na.
“I don’t see Manny Pacquiao retiring soon,” banat pa ni Roach.
Ang promoter nga nito na si Bob Arum ng Top Rank ay mayroon ng ginawang listahan sa posibleng makakalaban ni Pacquiao at ang mga ito ay sina Floyd Mayweather Jr., Antonio Margarito at Juan Manuel Marquez.
Tinitingnan na rin ni Arum ang buwan ng Setyembre o Nobyembre bilang buwan na posibleng sumalang na uli sa aksyon si Pacquiao.
- Latest
- Trending