12 tres isinalpak ni Curry

MEMPHIS — Nagsalpak si Stephen Curry ng 52 points tampok ang 12 three-point shots sa 134-125 pagpapatumba ng Golden State Warriors sa Grizzlies.
Umiskor si Jimmy Butler 27 points at tumipa si Draymond Green ng triple-double na 13 points, 10 rebounds at 12 assists sa pag-akyat ng Golden State (44-31) sa fifth place sa Western Conference.
Pinamunuan ni Ja Morant ang Memphis (44-32) sa kanyang 36 points habang may 22 markers si Jaren Jackson Jr.
Walang nakapigil sa tirada ni Curry sa first half kung saan siya nagpasok ng walong triples para sa kanyang 32 points sa 74-66 halftime lead ng Warriors.
Nakadikit ang Grizzlies sa 122-125 sa huling dalawang minuto ng fourth period.
Ang tip-in ni Brandin Podziemski mula sa mintis na tres ni Curry ang muling naglayo sa Golden State sa 127-122.
Sa Denver, ipinasok ni Nickeil Alexander-Walker ang dalawa sa tatlo niyang free throws sa huling 0.1 segundo sa 140-139 double overtime win ng Minnesota Timberwolves (44-32) sa Nuggets (47-29).
Sa Milwaukee, bumanat si Giannis Antetokounmpo ng 37 points sa 133-123 pagpapalubog ng Bucks (41-34) sa Phoenix Suns (35-41).
Sa Chicago, kumonekta si Coby White ng 28 points sa 137-118 pagsuwag ng Bulls (34-42) sa Toronto Raptors (28-48) para sa silya sa Eastern Conference play-in tournament.
- Latest