^

PSN Palaro

Gazz Angels lumapit sa finals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Gazz Angels lumapit sa finals
Lumusot ang hataw ni Fil-Am Brooke Van Sickle ng Petro Gazz sa depensa ng Choco Mucho. (PVL photo)
STAR/File

MANILA, Philippines — Hinataw ng Petro Gazz ang ikalawang sunod na panalo para sa tsansang makamit ang finals berth ng 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Nagposte si Fil-Am Brooke Van Sickle ng triple-double na 17 points, 22 receptions at 12 digs para igiya ang Gazz Angels sa 24-26, 25-18, 25-17, 27-25 pagtakas sa Choco Mucho Flying Titans kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Inilista ng Petro Gazz ang 2-0 kartada sa single-round robin semifinals at ang panalo sa Akari bukas ang opisyal nang magpapasok sa kanila sa best-of-three championship series.

“We’ve got to come out firing if we want that spot in the final round,” wika ni Van Sickle.

Nalasap ng Flying Titans ang ikalawang dikit na kamalasan sa semis.

Mula sa 15-21 pagkakabaon sa Choco Mucho sa fourth set ay naghulog ang Petro Gazz ng isang 8-0 atake para agawin ang 23-21 abante.

Nakatabla ang Flying Titans sa 25-25 mula sa hataw ni Cherry Nunag kasunod ang dalawang sunod na palo ni Myla Pablo para sa panalo ng Gazz Angels.

Kumolekta si Bernadeth Pons ng triple-double na 17 points, 15 receptions at 12 digs para banderahan ang nagdedepensang Creamline sa 25-18, 25-19, 25-19 pagwalis sa Akari sa unang laro.

Nagdagdag sina Pangs Panaga at Tots Carlos ng tig-13 markers para sa pang-walong sunod na panalo ng Cool Smashers sa Chargers simula nang pumasok ang huli sa liga noong 2022.

May siyam na puntos si team captain Alyssa Valdez kasama ang winning hit sa third set habang may 24 excellent sets si Kyle Negrito.

PVL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->