^

PSN Palaro

Pinay netters isinalba ni Capadocia, Patrimonio sibak

-

MANILA, Philippines - Ibinandera ng 14-an­yos na si Marian Jade Ca­padocia ang bandila ng bansa nang manatiling nakatayo sa idinadaos na 21st Mitsubishi Lancer International Tennis Cham­pion­ships kahapon sa Ri­zal Memorial Tennis Cen­ter.

Si Capadocia na number one sa girls under 14 at under 16 ay hiniya ang British player na si Manisha Foster, 6-4, 6-1, upang makaabante sa se­cond round sa girls singles.

Isinantabi ni Capado­cia, second year high school student sa Arellano University Mabini Cam­pus, ang naunang 3-2 ka­lamangan ng 387th ran­ked na 16-anyos na karibal nang ma-break ito sa seventh game upang trangkuhan ang paglayo sa 5-3.

Nakaisa si Foster sa ninth game pero tinapos ni Capadocia ang labanan sa 10th game sa kanyang serve.

Dala marahil ng kapa­guran ay kusang bumigay si Foster para tuluyang ma­maalam sa torneong iti­nalaga ng International Tennis Federation (ITF) na Grade One event.

Si Capadocia na lamang ang pinalad na manlalaro sa kababaihan na manalo matapos masibak ang pitong iba pang lumahok sa opening singles sa torneong inorganisa ng Philippine Tennis Association (Philta).

Natalo si Anna Clarice Patrimonio kay Alessia Camplone ng Italy, 6-2, 6-2; si Shanin Mae Olivarez ay yumuko kay Kyra Shroff ng India, 6-1, 6-2 at si Tamitha Nguyen ay natalo kay Stefanie Tan ng Singapore, 6-4, 7-5. (AT)

ALESSIA CAMPLONE

ANNA CLARICE PATRIMONIO

ARELLANO UNIVERSITY MABINI CAM

GRADE ONE

INTERNATIONAL TENNIS FEDERATION

KYRA SHROFF

MANISHA FOSTER

MARIAN JADE CA

SHY

SI CAPADOCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with