RP Patriots yuko sa Singapore
SINGAPORE -- Napigil ng Singapore Slingers ang bantang pagbangon ng Philippine Patriots at isubi ang ikalawang sunod na panalo, habang inilista din ng Sutria Muda Britama ng Indonesia at Kuala Lumpur Dragons ang kanilang ikalawang panalo sa kapana-panabik na tagumpay sa ASEAN Basketball League (ABL) Invitational Championship.
Nagtulong sina American imports Kyle Jeffers at Mike LeBlanc at Marcus Ng ng pamatay na puntos nang payukurin ng Slingers ang Patriots, 74-69 at kunin ang trangko sa 56-nation tournament.
Sa Nimibutr National Stadium sa Thailand, bumalikwas ang Sutria Muda Britama mula sa 67-75 kabiguan sa RP Patriots noong Sabado nang ilista nila ang 78-75 pamamayani laban sa Thailand Tigers habang nakaganti naman ang Kuala Lumpur Dragons sa Brunei Barracudas, 76-73 sa Brunei.
Makakalaban ng Patriots ang Thailand Tigers sa Linggo sa Ynares Sports Arena, ang kanilang unang laro sa bansa.
"Our team played bad," pag-amin ni Patriots assistant coach Bogs Adornado. "Our shooting was poor. We had crucial turnovers. We also got bad breaks."
SINGAPORE 74--Jeffers 17, LeBlanc 15, Ng 13, Vergara 11, Matialakan 8, W. Wong 7, Hong 2, Oh 1, S. Wong 0, Sadasivan 0, Khoo 0, Lim 0.
PHILIPPINES 69--Powell 15, Dixon 12, Coronel 9, Ybañez 8, Gaco 7, Baguion 6, Mirza 5, Sta. Maria 4, Wainwright 3, Andaya 0, Daa 0, Mondragon 0.
Quarterscores: 18-15, 34-30, 54-42, 74-69.
- Latest
- Trending