^

PSN Palaro

Pinoy cue artists sali sa Japan tourney

-

Tatlong Pinoy na sina Antonio “Nikoy” Lining, Roel Esquillo at Crisencio “Ato” Baliton ang makikipagsapalaran sa ilang serye ng torneo sa Japan simula sa susunod na Linggo.

Ang mga Pinoy ay papagitna sa Kyousho Open sa Hunyo 15-16 sa Fukuoka bago magtungo sa Tokyo para sa annual Nine Ball Festival sa Hunyo  21-22 na may premyong P280,000 sa magkakampeon. 

“We hope to perform well in Japan Circuit,” sabi ni Japan-based veteran international campaigner Esquillo, na nakapasok sa quarterfinals sa Japan Open sa taong ito na dinomina ng kababayang sina Dennis Orcollo at Ronato Alcano, ayon sa pagkakasunod.

 “We train hard for this event (Japan Circuit), we expect a good results,” dagdag naman ni Baliton, ang 2006 Astro Open at TPCC Open Champion sa Japan. 

Tampok din sina Lining, Esquillo at Baliton  sa paglahok sa Shikoku Open sa Hunyo 28-29 sa Osaka at susunod na torneo din na naka-linya ang 14.1 championships sa Hulyo 19-21 sa Tokyo kung saan si Lining ang defending 14.1 champion.

ASTRO OPEN

BALITON

DENNIS ORCOLLO

ESQUILLO

HUNYO

JAPAN CIRCUIT

KYOUSHO OPEN

NINE BALL FESTIVAL

OPEN CHAMPION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with