^

PSN Palaro

Donaire magtatayo ng training camp sa Las Vegas

-

Mula sa Cebu City, itatayo ni world flyweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. ang kanyang training camp sa Las Vegas, Nevada.

Dumating na ang 24-anyos na si Donaire at ang father/trainer nitong si Nonito, Sr. sa Las Vegas upang simulan ang preparasyon para sa kanyang ikalawang pagdedepensa ng suot na International Boxing Federation (IBF) at International Boxing Organization (IBO)  flyweight crown.

Ipagtatanggol ng tubong General Santos City ang kanyang IBF at IBO belt laban sa 32-anyos na si Lebanese challenger Hussein Hussein sa Abril 18 sa Aviation Arena sa Dubai, United Arab Emirates.

Nauna nang inihayag ni Donaire na muli niyang itatayo ang kanyang training camp sa ALA Boxing Gym sa Cebu City ngunit bigla itong nagbago noong Enero.

Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na idedepensa ni Donaire ang kanyang suot na IBF at IBO flyweight title matapos umiskor ng isang eight-round TKO kay Mexican Luis Maldonado noong Disyembre 1 sa Mashantucket, Connecticut.

Ibabandera ni Donaire ang kanyang 19-1-0 win-loss-draw ring record kasama ang 12 KOs, samantalang tangan naman ni Hussein Hussein, nakabase ngayon sa Sydney, Australia, ang 31-4-0 (24 KOs). (Russell Cadayona)

vuukle comment

AVIATION ARENA

BOXING GYM

CITY

DONAIRE

HUSSEIN HUSSEIN

LAS VEGAS

PLACE

PLACENAME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with