Kapag sinusuwerte, sobra-sobrang biyaya ang natatanggap
October 10, 2006 | 12:00am
Para kay University of Santo Tomas coach Pido Jarencio, kapag sinusuwerte, sobra-sobrang biyaya ang matatanggap.
Matapos ang isang linggo makaraang ibulsa ng kanyang España-based Growling Tigers ang UAAP championship laban sa paboritong Ateneo Blue Eagles, nahirang naman ang rookie tactician bilang assistant coach ng San Miguel Beer, isa sa pinakatanyag na ball clubs sa PBA.
"Inuulan yata ako ng swerte. Iba yata talaga pag marami ang nagdadasal para sa ginagawa mo," ani ng 42-anyos na si Jarencio isa ring UAAP standout ng UST Glowing Goldie mula noong 1981 hanggang 1984 subalit hindi siya nakatikim ng kahit na isang varsity championship.
At sa kanyang appointment, hindi na iba si Jarencio sa San Miguel Beer ball club kung saan ginugol nito ang kanyang di malilimutang paglalaro sa pro league sa koponang nasa ilalim ng pagmamando ni coach Norman Black --at ang nakakamangha rito, ay winalis ni Pido ang dati niyang mentor sa nakaraang UST-Ateneo championship series.
At ang isa pang nakakatuwa ay ang isa pang tunay na Atenean--si Chot Reyes na siyang namumuno sa coaching staff ng Beermen. Gayunpaman, balewala ito kay Reyes ay maluwag niyang tinanggap ang pagkakasama ni Jarencio sa coaching staff ng Beermen.
"By beating Ateneo, Pido has earned all my respect. Naipakita ang galing nyang magplano each game, ang mag-adjust at lalung-lalo na sa pag-motivate ng players," ani naman ni Chot. "I am sure even the ex-Ateneo players among the Beermen, like Olsen (Racela) will be very happy to have him in the team," wika pa ni Reyes.
Idinagdag pa ni Reyes, nakasama rin si Jarencio sa Pop Cola ang huling PBA team ng huli bago siya nagretiro--na ang pagkakahirang sa UST coach ay isang paraan upang makapag-ambag para sa development ng sport sa pagbibigay ng oportunidad sa mga bagong coaches na mailabas nila ang kanilang abilidad sa field. Isa na rito si Koy Banal, na iginiya ang San Beda Red Lions sa NCAA championship matapos ang ilang dekadang tagtuyot sa korona, ay dalawang taon ng nasa pro league kung saan assistant coach siya ng 2006 PBA-All Filipino champion Purefoods Chunkee Giants.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended