^

PSN Palaro

Pacquiao-Marquez billboards at posters nagkalat sa Vegas

-
LAS VEGAS, Nevada -- Nagkalat ang mga posters at billboards sa lugar kung saan magaganap ang pinakaaabangang laban ng Filipino ring champ na si Manny Pacquiao na nagbalik sa lugar kung saan naitala nito ang kanyang mahahalagang panalo sa gambling capital na ito.

Dumating kahapon ang 25-gulang na People’s champion na si Pacquiao kasama ang kanyang buong entou-age matapos ang limang oras na biyahe mula sa Los Angeles at binigyan ito ng VIP treatment ng mga opisyal ng MGM Grand Arena, ang venue ng kanyang nalalapit na laban kontra sa Mexican titlist na si Juan Manuel Marquez.

Naiulat na darating ang reigning champion na si Marquez na magtataya ng kanyang International Boxing Federation (IBF) at World Boxing Association (WBA) featherweight crowns sa nakatakdang 12-round bout, kahapon mula sa Mexico kung saan sumailalim ito sa masusing pagsasanay ngunit bigla na lamang nagpasabing sa Miyerkules na siya darating para sa kanyang laban kontra sa General Santos slugger.

"Handang handa na ako," wika ng kumpiyansang si Pacquiao na isinailalim na lang ng kanyang mga handlers sa light workout sa mga susunod na araw sa isang private gym na pagmamay-ari ng kaibigan ng kanyang trainer na si Freddie Roach.

Pabor pa rin ang laban sa power hitting Filipino, sa 3-2, limang araw bago sumapit ang inaasahang magiging the fight of the year. Sa katunayan, sa tallyboards sa MGM race/sports book section sa casinos, ang Pinoy pug ay may minus 165 odds habang ang Mexican right hander ay plus 145.

Sa sugal ito’y nangangahulugang, ang $165 pusta kay Manny ay ma-nanalo ng $100 habang ang $100 bet kay Marquez ay mananalo ng $145.

Sa Fightnews.com, si Pacquiao ay 7-5 favorite ngunit pinagdududahang makukuha nito ang dalawang titulo sa Mexican.

Inihayag na ng Pr-moters ng laban -M&M Sports and Top Rank, Inc.- ang pangalan ng judges na sina Guy Jutras ng Canada, Bart Clem-mons ng Rhode Island at Clark Samartino ng Reno, na nominado ng Nevada Sports Commission.

Ang third man sa ring ay si Joe Cortez na nag-referee na sa isa sa malalaking panalo ni Pacquiao, ang sixth round demolition kay South African Lehlo Ledwaba para sa IBF super bantamweight crown noong June 2001 sa nasabi ring venue.

Samantala, magwo-work-out ang Filipino champ, sa unang pagkakataon sa desert city na ito ngayon sa pamamagitan ng roadwork sa umaga at light workout sa hapon. Nakatakda itong su-mailalim sa MRI ( Magnetic Resonance Imaging) test sa alas-4:00 ng hapon sa malapit na ospital base sa utos ng commission. Ang iba pang medical tests ay isinagawa na sa L.A.

BART CLEM

CLARK SAMARTINO

FREDDIE ROACH

GENERAL SANTOS

GRAND ARENA

GUY JUTRAS

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

JOE CORTEZ

JUAN MANUEL MARQUEZ

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with