^

PSN Palaro

PBA Fiesta Conference: Coach nga ba ang problema ng Shell ?

-
Malalaman na kung ang sinibak na si coach John Moran nga ang problema sa masamang kapalarang nararanasan ng Shell Velocity sa pagsalang ng koponan ngayon kontra Coca-Cola sa pagpapatuloy ng 2004 Philippine Basketball Association Gran Matador Fiesta Conference sa Araneta Coliseum

Ang laban ay itinakda sa ganap na alas-4:45 ng hapon kung saan pansamantalang gagabayan ng itinalagang interim coach na si Jigs Mendoza ang Turbochargers, na magtatangkang bumangon sa nakakadismayang 1-4 record.

Samantala, sisikapin naman ng Sta. Lucia Realty na mairehistro na ang kanilang pambuenamanong panalo sa pag-harap nila sa Barangay Ginebra sa tampok na laro sa ika-7:10 ng gabi.

Dahil sa kabiguang maideliber ang mataas na ekspektasyon sa kanya ng management, ang kontrobersyal na si Moran ay binigyan ng ‘pink slip’ kamakalawa.

"We will start all over again," anang top draft pick na si Rich Alvarez, na binangko ni Moran sa opening game ng liga, na nagresulta ng katakut-takot na batikos sa Amerikanong mentor.

Si Moran ang ikalawang PBA head coach na napatalsik sa pwesto sa loob lamang ng isang linggo. Bago siya si Allan Caidic ay pinalitan ni Siot Tanquingcen bilang punong-tagagabay ng Gin Kings. Si Caidic ay itinalaga bilang team manager ng koponan.

Ayon sa pamunuan ng Shell, si Mendoza, na assistant coach na ng koponan mula pa noong panahong nasa ilalim ito ni Perry Ronquillo, ang siyang mamando sa tropa hangga’t hindi pa ito nakakahanap na permanenteng coach.

Sa kabila ng pagkuha sa serbisyo ng maasahang si Derrick Brown, bigo pa rin ang Realtors, na maiposte ang unang panalo sa komperensya at kasalukuyang kulelat sa 0-5 karta.

Ito naman ang magiging ikalawang pagkakataon ni Tanquingcen sa paggabay sa Gin Kings kung saan inaasahang makukuha na niya ang unang panalo. (Ulat ni IAN BRION)

vuukle comment

ALLAN CAIDIC

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

DERRICK BROWN

GIN KINGS

JIGS MENDOZA

JOHN MORAN

LUCIA REALTY

MORAN

PERRY RONQUILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with