^

PSN Palaro

Batang Pinoy chessers lumalaban

-
Nagkaroon ng pagbabago ng kapalaran ang kampanya ng Pilipinas noong Martes sa ikapitong round ng 4th ASEAN Age Group Chess Tournament sa Orchid Garden Hotel, Bandar Seri Begawan, Brunei Darussalam.

Inilinya ng mga kabataan mula sa La Union na sina Brenda Mae Membrere ng Aringay at Kyla Joy Camacho ng Caba para sa  individual at  team gold medals sa below-8 years category.

Binigyan ni Membrere ng leksyon si  Chua Tee Teng ng  Malaysia  para sa limang puntos habang magaang naman na giniba ni Camacho si Nadia Gitta Hadi Soebroto ng  Indonesia para sa apat na puntos.

Nabigo si Jodilyn Pascua Fronda ng Muntinlupa City sa dating  co-leader Hoang Thi Nhu Y ng  Vietnam.  Bumagsak naman sa ikaapat si Chardine Cheradee Camacho, ng  Caba, La Union, at Myat Thiri Aung Kyaw ng  Myanmar sa  4.5 points.  Kasunod nila ang trio ng  Vietnamese -- Hoang Thi Nyu Y at Nguyen Thao Han sa 5.5 points at  Nguyen Ngoc Phuong Khanh na may 5 points.

Nakipag-draw naman si Kenn Rienzi Camacho kay  leader Anas Nazreen Bakri ng  Malaysia, makaraan ang kanyang panalo sa kababa-yang si Eric Gleen Acosta ng Baguio sa nakaraang round, upang ilagay siya sa malapit sa medalya.  Pinangunahan ni Bakri ang grupo ng may anim na puntos kasunod sina Viet-namese Thon That Nhu Tung at Le Quang Liem at 5.5, habang sina  Camacho at  Joshua Panir Selvam ng  Malaysia ay may limang puntos.

Nakipag-draw rin ang lahat ng mga Filipino boys sa Under 10 category sa 7th round matches upang mapanatili ang  kaunting kalamangan sa Brunei para sa laban sa bronze,  Ang team gold ay inaasahan nang mapupunta sa Singapore habang ang silver ay sa  Vietnam.

Nakihati ng puntos si Franz Robert Grafil ng Valenzuela kay  Mark Ho En Tian ng Singapore; si Marc Christian Nazario ng  Quezon City kay Olrenzo Diary Johan ng  Indonesia; habang si  Antoni Angelo Seloterio ng Bulacan ay kay Sumanth Subrama-niam ng  Vietnam.

Sa Disyembre 25, Pasko, makikipaglaban si  Membrere (5 pts) kay Danielle Ho En Hui (6 pts) ng  Singapore para sa  gold habang si Kyla Joy Camacho (4 pts) ay kay  Abigail Ko (3 pts) ng Singapore

Kapwa may siyam na puntos ang Pilipinas at Singapore.

ABIGAIL KO

AGE GROUP CHESS TOURNAMENT

ANAS NAZREEN BAKRI

ANTONI ANGELO SELOTERIO

BANDAR SERI BEGAWAN

BRENDA MAE MEMBRERE

BRUNEI DARUSSALAM

KYLA JOY CAMACHO

LA UNION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with