^

PSN Palaro

Volunteers lunod sa Waves

-
Sumandig ang Osaka Pangasinan sa tikas ni Chris Clay upang pabag-sakin ang Olongapo, 95-86 kahapon sa MBA First Conference sa CEU Centrodome sa Malolos City.

Humakot si Clay ng 41 puntos upang ipaghiganti ng Waves ang kanilang masaklap na kabiguan sa mga kamay ng Volunteers sa ganoon ding iskor sa kanilang unang paghaharap noong Abril 18 at upang itala ang kanilang ikatlong panalo makaraan ang anim na asignatura.

Bumagsak naman ang Volunteers sa 4-2 record, subalit nananatili pa rin sila sa liderato ng Northern Conference.

Sa pagtutulungan nina Clay at Francis Aquino na umiskor ng tig-10 puntos, naiposte ng Waves ang 75-61 kalamangan sa pagtatapos ng third canto na nagbigay buhay sa kanilang kampanya para sa semifinal round.

Isang 21-8 run ang pinangunahan ni Henry Fernandez at Johndel Cardel ang naggiya sa Olongapo para makalapit sa 83-82 sa kalagitnaan ng final canto, subalit naging matatag ang composure ng Waves at muli nilang nailayo ang tempo patungo sa kanilang panalo.

Bagamat dominado ng Volunteers ang boards, nagawa pa ring kunin ng Waves ang 47-38 kalamangan sa pag-sasara ng halftime nang kumana si Clay ng 21 puntos kabilang ang tatlong triples sa second quarter.

ABRIL

CHRIS CLAY

FIRST CONFERENCE

FRANCIS AQUINO

HENRY FERNANDEZ

JOHNDEL CARDEL

MALOLOS CITY

NORTHERN CONFERENCE

OLONGAPO

OSAKA PANGASINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with