^

PSN Palaro

MBA 2nd Phase: Solo liderato asam ng San Juan vs Cebu

-
Pagpapalawig ng winning streak para sa solong liderato ang target ngayon ng San Juan Knights sa kanilang nakatakdang pakikipaglaban sa Cebuana Lhuillier sa alas-5:30 ng hapon sa MBA Second Phase na dadako sa San Juan Gym.

Tinalo ng San Juan ang Batangas, 86-82 noong Linggo upang mahapit ang kanilang ikalimang panalo na naglagay sa kanila sa pakikisosyo sa Blades sa pangunguna sanhi ng magkaparehong 5-1 karta.

At ang tanikalang ito ang ibig na kalasin ng Knights upang mahawakan ang ikaanim na panalo.

Inaasahang hahataw ng husto sina Omanzie Rodriguez at Rafi Reavis katulong sina Kalani Ferreria, Randy Alcantara at Danny Capobres upang trangkuhan ang San Juan sa panalo.

Ngunit siguradong di papayag ang Cebu na kagagaling lamang sa 106-103 kabiguan sa mga kamay ng Socsargen Marlins kung kaya’t gagawa ito ng matinding opensiba upang pigilan ang San Juan.

Nakasalalay sa mga balikat nina Peter Naron, Homer Se, Al Solis at Stephen Padilla ang ikagaganda ng kasalukuyang 3-3 win-loss slate ng Lhuillier.

Nauna rito, maghaharap naman ang Negros Slasher at ang Davao Eagles sa alas-3 ng hapon na dadako sa RMC Gym sa balwarte ng Eagles.

AL SOLIS

CEBUANA LHUILLIER

DANNY CAPOBRES

DAVAO EAGLES

HOMER SE

KALANI FERRERIA

NEGROS SLASHER

OMANZIE RODRIGUEZ

PETER NARON

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with