^

PSN Palaro

PBA Governor's Cup: Unahan sa unang panalo ang 4 t

-
Makabawi sa pagkatalo ang hangad ng apat na koponan na magsasalpukan ngayon sa dalawang laro ng PBA season-ending Governor’s Cup sa PhilSports Arena.

Unang magsasagupa ang Shell Velocity at Alaska Aces sa ganap na alas-5:05 ng hapon na susundan naman ng engkuwentro ng Swift Panthers at Tanduay Gold Rhum sa dakong alas-7:10 ng gabi.

Masaklap na pagkatalo ang natikman ng Turbo Chargers kontra sa Talk N Text matapos ang kanilang 90-92 pagkatalo kung saan nagbalewala ang kanilang 18-puntos na kalamangan.

Nalasap naman ng Aces ang 89-97 pagkatalo kontra sa Purefoods TJ Hotdogs habang natikman naman ng Swift ang 78-94 pagkatalo kontra sa Sa. Lucia Realty.

Bagamat nakabalik na sa aksiyon si Eric Menk, nalasap naman ng Rhum Masters ang 96-99 kabiguan kontra sa Barangay Ginebra.

Tiyak na babawi si import Askia Jones upang makabawi ang Shell sa kanilang nakaraang pagkatalo habang si import Sean Chambers, Kenneth Duremdes, John Arigo at Jon Ordonio naman ang sasandalan ng Aces.

Magkukrus naman ang landas nina import Swift Rossell Ellis at Maurice Bell ng Tanduay.

ALASKA ACES

ASKIA JONES

BARANGAY GINEBRA

ERIC MENK

JOHN ARIGO

JON ORDONIO

KENNETH DUREMDES

LUCIA REALTY

MAURICE BELL

RHUM MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with